Baliwag Polytechnic College

BTECH Library at Aklatang Pambayan ng Baliwag, Pinarangalan ng PHACTO

Advertisements

Baliwag, Bulacan – Kinilala ng Provincial Historical, Arts, Culture and Tourism Office o PHACTO ang Baliwag Polytechnic College Library bilang Natatanging Aklatan sa Kategorya ng mga Pampublikong dalubhasaan o State University at Local Colleges Category at ang Pambayang Aklatan ng Baliwag naman ay binigyan ng Special Award dahil sa mga programa nito upang mahikayat ang mga mag-aaral na gamitin ang aklatan para sa sariling kalinangan. Ang programang iyan ay bahagi ng mga programang inilaan para sa Library and Information Science Month. Tinanggap ang parangal ng Baliwag bilang kinatawan ng Punongbayan si Atty. Robert John Donesa, Pangulo ng BTECH at si Bb. Susie Villanueva naman ang tumanggap para sa Aklatang Pambayan ng Baliwag

Si Karen Muga, College Librarian ng BTECH College sa kanyang pagpapasalamat kay Mayor Ferdie Estrella sa pagsuporta sa aklatan ng BTECH.

BTECH Library at Aklatan Pambayan

Pangarap nga ni Mayor Ferdie Estrella na magkaroon ng isang Electronic Resources Center ang Aklatang Pambayan at mailipat ito sa mas maayos na pasilidad upang higit na maenganya ang publiko partikular na ang mga kabataan.

Nais din sana ni Mayor Ferdie na mailagay ito sa pamamanihala ng Baliwag Polytechnic College upang mas maging akma ito at ng hindi ito mapagiiwanan. Paliwanag ni Municipal Administrator Enrique Tagle, “nais lamang ni Mayor Ferdie na maximize ang expertise ng kolehiyo natin. There is no better office to ensure that our public library will be given proper attention but BTECH. Tinitignan din kasi ni Mayor ang anggulo ng sustainability at rationalization upang maging epektibo ang kawanihan.”

Advertisements