Baliwag News Service

NAGSIMULA NA! 4th MFVE INTER BARANGAY BASKETBALL LEAGUE 2019.

Advertisements

PORMAL na pinangunahan ni Mayor Ferdie V. Estrella ang pagbubukas ng ika-apat na taon ng MFVE Inter Barangay Basketball League katuwang ang Sports Development Office (SDO) nito lamang Linggo, ika-3 ng Nobyembre sa 2019 sa Baliwag Star Arena.

Nilahukan ito ng 26 koponan mula sa mga Barangay sa Bayan ng Baliwag bilang pagpapakita ng kanilang suporta sa ligang ito.

Dinaluhan ito ni Ditse Tina Pancho na kumakatawan kay Cong. Apol Pancho at mga Konsehal ng Baliwag na sina Kon. Lowell Tagle, Kon. Tony Patawaran, Kon. Mabel Pascual, Kon. Atty. Buko Dela Cruz, mga Kapitan at SK Chairmans sa bayan ng Baliwag.

Samantala, nagbigay ng pananalita ang Ditse ng ikalawang distrito na si Ditse Tina Pancho na ang adhikain ay mapaunlad pa ang kakayahan ng mga kabataang Baliwagenyo sa larangan ng larong Basketball. Aniya pa, magbibigay siya ng kaukulang papremyo para sa mga mananalo sa laron 3 Points Shoot Out sa darating ng Championship.

 

Bawat koponan ay may kanya-kanyang nag-gagandahang muse at ang itinanghal na Ms. Inter Barangay 2019 ay mula sa Barangay Makinabang.

Pinangunahan ng dating Most Valuable Player (MVP) ng 3rd MFVE Inter Barangay Basketball League 2018 na si Aries Rivera mula sa Barangay Tibag ang Oath of Sportsmanship.

Opisyal na binuksan ang liga sa pangunguna ni Mayor Ferdie V. Estrella, Ronaldo Torres mula sa Sports Development Office, Earvin Javier mula sa Barangay Tiaong at John Paul Simbulan mula naman sa Barangay Tibag.

Lubos ang kaniyang kagalakan at pasasalamat sa lahat ng nakilahok at tumulong upang maisakatuparan ang proyektong ito. Aniya pa, patuloy pa niyang pauunlarin ang programang pampalakasan sa Bayan ng Baliwag at pagtutuunan ng panahon ang pagpapaunlad ng mga kabataan sa ating bayan.

Ang 4th MFVE Inter Barangay Basketball League 2019 ay isa sa proyekto ng Administrasyong Estrella na naglalayon na palakasin at hasain ang kakayanan ng mga kabataang Baliwagenyo sa Larangan ng Pampalakasan.

Sa ngalan ng Serbisyong May Malasakit!

Advertisements