Baliwag News Service

Mayor Ferdie: “Maraming Salamat sa Lahat ng   Nagserbisyo ngayon Undas 2019”

Advertisements

Baliwag Memorial Park – Sa kanyang unang Undas mula ng mawala si dating Punongbayan Romy Estrella, nagpasalamat si Mayor Ferdie Estrella sa bumubuo ng Task Force Ligtas Undas 2019.

“Unang-una ay nagpapasalamat tayo at walang naging malaking aberya ngayong Undas. Naging maayos, tahimik at higit sa lahat ay ligtas ang ating mga kababayan sa panahon na inilaan para alalahanin natin ang ating mga yumaong mahal sa buhay. Kahit na umulan ay hindi kalakasan. Malaking bahagi upang maging maayos ang lahat ay ang ginawang preparasyon ng lahat ng mga ahensiyang kabilang sa Incident Command System sa pangunguna ng PNP Baliwag sa pangunguna ni Hepe Abe Hambon at lahat ng pulis; ang Baliwag Traffic Management Office sa kanilang pinuno, Arch. Tisoy Santos at sa lahat ng mga Traffic Enforcers; sa Baliwag MDRRMO at Baliwag Municipal Health Office  (Alvin Asuro, Chief / Dr. Mary Joan Dinlasan, Mun. Dept Head at Dr. Dave Legazpi, Malasakit Center); sa MENRO Baliwag, ECOPOLICE at Solidwaste Management Unit (Edgar Luna); sa Public Information Office at BRFM Baliwag Radyo (Bong Sablan); Baliwag WebTV (Royette Mullot) at sa mga Pamahalaang Barangay ng Santo Cristo, Tarcan, Makinabang at San Roque at sa lahat ng mga Kapitan na nagpadala ng Barangay Peacekeeping Action Team; sa lahat ng mga pinuno at kawani ng mga tanggapan ng Pamahalaang Bayan ng Baliwag na nakiisa; at sa mga samahang sibiko na naghandog ng kanilang panahon, lakas, talino at malasakit, maraming salamat sa inyo,” anang batang alkalde.

Mindanao Earthquake

Nagpahayag din ng pakikiramay si Mayor Ferdie Estrella sa mga naging biktima ng halos magkakasunod na lindol na tumama sa Mindanao partikular sa Cotabato at Davao. Aniya, “nakikiramay din tayo sa mga kababayan natin na naging biktima ng lindol. Nakita natin sa mga balita ang lawak ng naging epekto at pinsala ng lindol. Malungkot ito lalo na at madami pa din ang hinahanap mula sa mga gumuhong bundok at ilang bahay ang nasira pa. We also remember in prayers today those who have perished. May their souls rest in peace.”

Advertisements