Baliwag Hotline baliwag police Baliwag Public Information Office

PNP Baliwag COP, Itinalagang Incident Commander ni Mayor Ferdie ngayong Undas 2019

Advertisements

Baliwag, Bulacan – Itinalaga ni Mayor Ferdie Estrella bilang Incident Commander ngayong Undas 2019 si PNP Baliwag Chief of Police, P/Supt. Lt. Col. Abraham Hambon upang masiguro ang kaligtasan, kaayusan at kombinyenteng Araw ng Pagala-ala ng mga Baliwagenyos sa kanilang yumaong mahal sa buhay.

Kasado na nga ang inilatag na Security Plan para ngayon Undas 2019 batay sa paguulat ni PCpl James Anthony Villarosa na kumatawan kay P/Supt. Hambon sa Pulong ng Komite para sa paghahanda ngayong Undas.

Maagang Inspeksyon

Maaga namang naglibot si P/Supt. Hambon sa iba’t-ibang sementeryo sa Baliwag kabilang na ang Baliwag Catholic Cemetery, Baliwag Municipal Cemetery, Baliwag Memorial Park, Gateway to Heaven na pawang nasa Brgy. Santo Cristo. Kasama din sa mga binisitang libingan ang Mt. Zion Memorial Park sa Brgy. Tarcan, Golden Gate sa Brgy. San Roque at ang Our Lady of the Holy Rosary-Makinabang Cemetery sa Brgy. Makinabang.

Full Force

Samantala, kulang 200 miyembro ng Barangay Peace Action Team naman ang binuo mula sa iba’t-ibang barangay sa Bayan ng Baliwag upang maging katuwang ng Pulis at Baliwag Traffic Management Office sa pagsasaayos ng trapiko at karagdagang seguridad sa mga Baliwagenyo.

Ang Baliwag MDRRMO naman at Baliwag Health Office ang siyang mangunguna sa paglalapat ng mga FIRST AID. Nakapuwesto sa iba’t-ibang panig ng Baliwag ang RESCUE FVE upang rumesponde sa lahat ng emergency situation. Mananatiling bukas ngayon hanggang hating gabi ang Baliwag Malasakit Center para sa emergency response. Itinalaga naman ni Dr. Mary Joan Dinlasan, Municipal Health Office si Dr. Dave Legazpi na manguna sa paglalapat ng lunas kung may emergency medical situation. Katuwang din ang iba’t-ibang samahang sibiko tulad ng WARE Philippines at BREACT.

Sa puntod ng yumaong dating Punongbayan Romeo Estrella, ama ni Mayor Ferdie Estrella
PNP Baliwag Chief P/Supt. Lt. Col. Abraham Hambon nagtulos ng kandila sa yumaong dating P/Major Rogelio Santiago
Advertisements