Baliwag News Service

Driver na Nagtakas ng Wheel Clamp, Kalaboso!

Advertisements

Pinagbarilan, Baliwag – Kalaboso ang inabot ng isang tsuper ng isang multi-purpose vehicle matapos na mahuli sa aktong pagtakas sa wheel clamp na ikinabit sa gulong ng kanyang minamanehong multi-purpose vehicle. Kinilala ang suspect sa pangalang Juan Talavera y Talusan, 44 taong gulang nakatira sa Brgy. Talacsan, San Rafael, Bulacan. Ayon sa Baliwag Traffic Management Office Spokesperson Chippy Pineda, nahuli umano si Trindad na aktong itatakas ang wheel clamp na nakakabit sa kanyang gulong matapos na kaniyang palitan ang gulong ng reserba. Itinawag naman sa kanila ng ilang concerned citizen ang aktong pagtatanggal ni Trinidad dahilan upang siya ay arestuhin ng mga rumispondeng pulis at traffic enforcer.

EO sa Wheel Clamp

Matatandaan na naglabas ng atas tagapagpaganap si Mayor Ferdie Estrella upang bigyan ng mga pamamaraan ang pagpapatupad ng Kautusang Bayan Blg. 3-95 o ang Baliwag Traffic Code. Ayon sa Executive Order No. 28 o ang An Order Providing the Use of Wheel Clamps to Immobilize Illegally Parked Vehicles.

Itinakda ang multa sa halagang dalawang daan at limampung piso bilang paglabag sa illegal parking at obstructing the flow of traffic.

Theft, Disobedience, Obstruction of Justice

Patong-patong naman na kaso ang isinampa laban sa suspek na tumagal ng apat na araw sa kulungan dahil sa kailangan pang antayin na maisampa ang kaso sa piskalya kinabukasan ng Sabado at inabot naman ng Martes upang makakuha ng Kautusan mula sa Malolos Regional Trial Court upang makapagpiyansa.

Babala sa Publiko

“Kaya’t muling pinapaalahahanan ang publiko na huwag palalalain ang simple problema. Resolbahin ng tama ang panghuhuli sa pamamagitan ng pagbabayad ng multa. Hindi rin dapat isisi sa pamahalaan kung ito ay nahuli sapagkat nagpapatupad lamang ito ng batas para sa kaayusan at kapaboran ng higit na nakararami,” ayon kay BTMO Chief Architect Tisoy Santos. Gayon din, sinabi din ni Baliwag Business Permits and Licensing Office Chief Nilo Fernando: “mahalaga ang pakikiisa ng mga establisyimento upang higit na mapadali ang pagsasagawa ng transaksyon ng kanilang mga kliyente sa Baliwag kung magtatalaga ng maayos na parking system ang lahat at hindi ihahambalang ang sasakyan sa mga kalsada na sanhi ng pagbibigat ng trapiko.

Advertisements