Baliwag News Service

Dangwa sa Baliwag nasa Baliwag Government Complex na!

Advertisements

Baliwag Government Complex – Dagsa ang mamimili ng bulaklak at kandila sa dating Baliwag Farmers Trading Center upang mamili nga ng mga kandila at bulaklak na iaalay sa kanilang mahal sa buhay bukas, Nobyembre 1.

Sa Baliwag Government Complex nga inilipat ng Baliwag Public Market Office ang Dangwa sa Baliwag ngayon taon upang hindi makaabala sa daloy ng trapiko at sa pagsisikap na muling buhayin ang lugar na iyon bilang pamilihan at sentro ng kalakalan ng Baliwag. Matatandaan na dito din iniligay ni Mayor Ferdie Estrella ang bagong Baliwag Business Center upang higit na mapadali ang pagkuha ng business permit gayon din ang building at occupancy permit.

Advertisements