Baliwag News Service

Baliwag, Handa na sa UNDAS 2019.

Advertisements

Baliwag, Bulacan – Handa na nga ang Baliwag sa inaasahang pagdagsa ng mga Baliwagenyo bukas, Araw ng mga Patay, Nobyembre 1.

Kasado na ang lahat ng mga abiso sa traffic scheme na ipapatupad at nakapaglagay na din ng mga traffic barriers at signages ang Baliwag Traffic Management Office.

Sa Traffic Scheme na inilatag ng Baliwag Traffic Management Office o BTMO ay magkakaroon ng mga loading bay ang mga papasok ng mga sementeryo upang hindi gaanong maabala ang mga pupupunta sa sementeryo. One way J. Buizon mula sa Bisita ni Apo Cristo hanggang P. De Guzman at makakaikot ka naman pabalik sa pamamagitan ng RE Chico. Ang Lopez Jaena St. ay one way din mula sa Baliwag Memorial Park hanggang kanto ng P. De Guzman St. at mula doon ay maaring kumanan o kumaliwa.

Ipinaalam naman ng Baliwag Traffic Management Office na ang lahat ng parking maliban sa Baliwag Memorial Park at Gateway to Heaven ay sa Baliwag Government Complex o sa SM Grand Terminal. Mula doon ay may libreng sakay ang lahat ng mga babalik sa sementeryo o pauwi. Binabalaan din ng BTMO na ang mga ilegal na parada ay iclamp at pagmumultahin ng 1,500 hanggang kinabukasan.

Seguridad

Samantala, itinalaga naman ni Mayor Ferdie Estrella bilang Incident Commander para bukas sa Araw ng Undas si P/Supt. Lt. Col. Abraham Hambon. Si Lt. Col Hambon ang magpapastol sa pinagsanib na pwersa ng PNP Baliwag, BFP, BTMO, MDRRMO, Baliwag Health at ang mahigit sa 200 Barangay Tanod at mga civil society groups na katuwang para bukas tulad ng WARE Philippines.

Hindi papayagan bukas ang pagdadala ng alak, matutulis na gamit tulad ng kutsilyo, gamit sa pagsusugal at malalakas na speakers.

Steering Committee at mga Barangays

Ang Office of the Municipal Administrator naman ang naitalaga para manguna sa mga paghahanda para sa Undas 2019. Sinabi ni Municipal Administrator Enrique Tagle na mananatili silang nakasubaybay sa mga kaganapan bukas mula sa Baliwag Command Center kasama ang Baliwag Public Assistance and Complaints Unit. “Nakasubaybay bukas ang buong pwersa ng PACC upang sagutin ang kanilang mga tanong at emergency situations. Bukas din ang Baliwag Malsakit Center for Health Issues. We hope that everything will run smoothly tomorrow as we combined government resources including barangays and assisted by our Civic Partners. Ang mahigpit na bilin ni Mayor Ferdie ay masiguro ang kaligtasan, kaayusan at kombinyente ito para sa mga Baliwagenyo. Ito ay hindi lamang sa Santo Cristo kasama na ang Makinabang, Mt.Zion sa Tarcan at San Roque,” pagtatapos ni MA Tagle.

Ang mga barangays naman ang mamahala sa kaayusan ng kanilang mga nasasakupan at nagpahiram nga ng barangay peacekeeping action ang mga barangay upang makatuwang ng mga pulis sa seguridad ng mga Baliwagenyo.

Lagay ng Panahon

Samantala, magiging maulap naman ang panahon bukas na may panakanakang pag-ulan. Inaasahan na magkakatubig sa bahagi ng Lopez Jaena St. sa pagitan ng dalawang sementeryo.

Renewal ng Kontrata

Ang Baliwag Public Cemetery naman ay nagpapaalala sa mga kaanak ng mga yumaong nakahimlay sa Pampublikong Libingan na i-renew ang kontrata ng paggamit sa mga libingan. Ang kontrata ay may bisang limang taon at maaaring –irenew o hindi. Kung ito naman ay hindi na balak gamitin ay ipagpapalagay na ilalagay na lamang ang mga buto ng kanilang mga mahal sa buhay sa bone vault o sa Mass Grave.

Baliwag Hotline

Ang Lokal na Pamahalaan ng Baliwag ay muling nagpapaalala sa publiko na huwag gumawa ng bagay na makakasira sa kaayusan bukas tulad ng mga bomb joke o paninigarilyo o pagparada sa maling paradahan upang maging maayos ang pakikipagtipan at pagala-ala sa mga yumaong mahal sa buhay. Kung may emergency naman ay maaaring tumawag sa 09175057827 at 09399997827.

Advertisements