Baliwag News Service

Baliwag, Ikatlong Pinakakompetitibong Bayan sa Bansa

Advertisements

PICC, Pasay City – Nakamit ng Baliwag ang Ikatlong pwesto bilang Pinakakompetitibong bayan ngayon sa Bansa batay sa 2019 Cities Municipalities Competitiveness Index ng National Competitiveness Council at Competitiveness Bureau ng Department of Trade and Industry. Tinanggap ni Mayor Ferdie Estrella ang parangal kasama ang ilang miyembro ng Sangguniang Bayan ng Baliwag.

Ang Competitiveness Index ay halaw sa Konsepto ni Michael Porter na ang kabuuang pwersa ng kompetisyon ang kabuuang batayan ng pagiging kompetitibo. Sinusukat sa apat na kategorya ang isang bayan at lungsod, ito ay ang economic dynamism, infrastracture development, governance efficiency at resiliency,

Top 1 sa Infrastracture

Nakamit naman ng Baliwag ang Unang Pwesto sa Infrastracture Development base sa mga pisikal na pagawain at proyektong pambuliko na naglalayong pagdugtungin, mabuksan at mapadali ang paghahatid ng tao sa serbisyo at mga produkto. Top 4 naman ang Baliwag sa Resiliency at Governance Efficiency at Top 8 naman sa Economic Dynamism.

Most Improved LGU

Simula nga noong 2016 ay patuloy sa paglipad ang Baliwag mula sa pang 960 na pwesto noong 2016 ay umakyat ito sa pang 42 noong 2017 kaya’t nagawaran ang Baliwag ng Most Improved LGU noong taong iyon. Nakamit naman ng Baliwag ang Top 2 sa Infrastracture noong 2018 at pang 9 na pwesto sa Over-All Ranking.

Plaridel at Sta. Maria

Nakamit naman ng Bayan ng Plaridel ang Most Improved LGU ngayon taon at No. 1 in Economic Dynamism na siya naman tinanggap ni Mayor Anastacia Vistan. Samantala, No. 2 naman ang Bayan ng Sta. Maria sa kategoryan Economic Dynamism na tinanggap naman ni Mayor Yoy Pleyto.

Advertisements