Nagsagawa ang Municipal Anti Drug Abuse Council (MADAC) ng isang group session para sa mga kliyenteng sumasailalim sa “Aftercare Program” nitong Oktubre 14, 2019 sa Conference Room ng Municipal Annex Building, Baliwag, Bulacan. Ang mga nasabing kliyente ay ang mga Baliwagenyo na dati ng nakulong dahil sa pagkakasangkot sa bawal na gamot. Sila ay nakalaya dahil sa “Plea Bargaining Agreement” o yung pag-amin sa mas mababang kaso na may kinalaman sa illegal na droga. Bilang kapalit ng kanilang paglabas, sila ay inatasan ng korte na mag-report sa MADAC upang masiguro ang kanilang rehabilitasyon at maiwas na sa dating masamang gawain. Nitong mga nakaraang buwan, sila ay indibidwal na pumupunta sa tanggapan ng Pambayang Kagalingang Panlipunan at Pagpapaunlad o Municipal Social Welfare and Development Office (MSWDO) para sa kanilang “Counseling Session”. Sa kagustuhan ni Mayor Ferdie V. Estrella na mas matutukan at matulungan ang mga taong ito, kanyang inatasan ang MADAC na magsagawa ng buwanang “group session” na kung saan ay may mga tagapagsalita na magbibigay kaalaman ukol sa iba’t-ibang bagay na magagamit ng mga kliyente sa kanilang araw-araw na pamumuhay. Katuwang din ang mga volunteer Pastors sa programang ito na siya namang magpapalakas ng spiritual at moral na pangangailangan ng mga kliyente.

tip lang sa hirap nang buhay ngayon need natin ang mamayanan para masugpo natin droga . bilang isang nogosyante gusto ko mag suggest gawin natin malawakan pag sugpo dto bilang sivilian report gamit kanilang cellphone mga kabataan mga kabit bahay na may na papansin silang kakaibang kilos maari silang kumuha na video o litrato sa kanilang lugar para ma report sa kina uukulan . bilang pag supporta tatapatan natin nang katumbas halaga mga pag tulong nila at bigyan parangal bilang spy police sa ganun paraan masuklian natin pag tulong nila.