Baliwag News Service

Baliwag Muling Tatanggap ng SGLG sa Ikatlong Taon

Advertisements

Baliwag, Bulacan – Muling tatanggap ang Baliwag sa ikatlong sunod-sunod na taon ang Pamahalaang Bayan ng Baliwag mula ng manungkulan si Mayor Ferdie V. Estrella.

Ang Seal of Good Local Governance o Selyo ng Matino at Mabuting Pamamahala ay iginagawad sa mga Lokal na Pamahalaan na pumasa sa pitong sektor tulad ng Financial Administration, Disaster Preparedness, Social Protection, Peace and Order, Environment Protection, Business Friendliness and Competitiveness at Arts, Culture and Tourism. Ito ang pinakamataas na paggawad at pagkilala na ibinibigay ng DILG sa mga lokal na pamahalaan.

11 sa Bulacan, Tatanggap ng SGLG

Tatanggap din ang pito pang bayan, dalawang Lungsod at ang Pamahalaang Panlalawigan ng SGLG ngayon taon. Kasama ng Baliwag na tatanggap ang mga Bayan ng Balagtas, Bulakan, Guiguinto, Pulilan, Plaridel at Sta. Maria at mga lungsod ng Meycauyan at San Jose del Monte. Tatanggap din ang Pamahalaang Panlalawigan ng Bulacan sa ikalimang taon ng SGLG.

Advertisements