Baliwag Emergency Baliwag News Service

Driving Under the Influence of Alcohol, Ipapatupad sa Baliwag

Advertisements

Baliwag, Bulacan – Labis umanong nakakabahala ang patuloy na pag-akyat ng bilang ng mga naaaksidente gamit ang kanilang mga motorsiklo sa Bayan ng Baliwag. Ayon sa tala ng Baliwag MDRRMO ay hindi bababa sa dalawang aksidente kada araw. Noong isang lingo, lima sa pitong aksidente ay naging sanhi nga ng pagkasawi ng mga nasabing motorista.

Ito nga ang naging dahilan upang ipagutos ni Mayor Ferdie Estrella sa kapulisan at Baliwag Traffic Management Office na ipatupad ang Driving Under the Influence of Alcohol o ang Drunk Driving Law o ang RA 10586. Ang parusa ay pagkakakulong ng tatlo hanggang dalawapung taon at multa na 20,000 piso hanggang 500,000

Samantala, sinabi naman ni Baliwag MDRRMO Chief, Alvin Asuro na nakatakdang bumili ng Alcohol Breath Analyzers ang Baliwag upang makatugon ito sa wastong pagpapatupad at panghuhuli sa mga lumalabag dito.  Dagdag pa riyan sinabi ni G. Asuro na, tinitignan ang isang sistema na mala-grab upang mahikayat ang mga uuwi ng lasing na magpahatid na lamang sa trike.

Umani naman ng papuri ang nasabing hakbang ng batang alkalde sa mga netizens. Sa comment post ng isang netizen kaniyang nasabi na “Ang mga ganitong hakbang umano ng Pamahalaang Bayan ay masasabi nating nakakatugon ang ating gobyerno sa pangangailangan ng panahon. May intervention. Abangan natin ang pagpapatupad nito at ang epekto nga ng pagpapatupad ng nasabing batas.”

Advertisements