Baliwag News Service

HAIR CUTTING AND SCALP TREATMENT PARA SA MGA BALIWAGENYO

Advertisements

Ang Pamahalaang Bayan ng Baliwag sa pangunguna ni Mayor Ferdie V. Estrella kasama ang Public Employment Service Office (PESO) sa pakikipagtulungan ng TESDA Bulacan ay nagkaroon ng Hair Cutting and Scalp Treatment na ginanap noong ika-labing anim hanggang ika-dalawampu ng Setyembre 20, 2019 sa Municipal Economics and Enterprise Management (MEEM) Office. Pinangunahan ni Bb. Angelita M. Landayan, ibinigay na TESDA Trainor ng TESDA Bulacan ang pagtututo sa dalawampu’t isang Baliwagenyo.

Tinalakay sa pagsasanay na ito ang tamang paggugupit at pagkukulay ng buhok, pagaaply ng keratin, pagrerebond at paghair spa. Nagkaroon sila ng hands-on training kung saan pinagtambal sa dalawa upang maranasan nila ang pag-aaply at paggupit ng sa gaon ay mahasa mahasa sila sa haircutting at scalp treatment.  Ang lahat ay pursigidong makatapos sa pag sasanay upang sila ay makapagsimula ng maliit na negosyo o makapag trabaho abroad.

Malaki ang kanilang pasasalamat dahil nabigyan sila ng pagkakataong magkaroon ng kaalam sa nasabing pagsasanay na magagamit nila sa isang maliit na negosyo o sa pagtratrabaho abroad.

Ayon kay Jenifer Brotamante  mula sa Bagong Nayon, Baliwag,  “Ako po ay isang housewife na may apat (4) na anak. Nais ko pong makatulong sa aking pamilya kung kaya’y nagaral po ako ng training kagaya nito. Ang aking pong asawa ay maliit lamang isa siyang kumukumpuni sa aircon sa kanyang pinapasukan. Malaki po ang naitulong nito sa buhay namin. Ako po ay nagpapasalamat kay Mayor Ferdie V. Estrella. At sana po ay marami pang maganap na trainings at magaaral po ulit ako. Maraming salamat din po sa PESO Baliwag.”

Sabi naman ni Michael Hipolito mula sa Brgy. San Roque, “Ako po ay isang single parent malaki po ang maitutulong ng training na ito sa aming buhay. Ako ay isang therapist at maliit lamang ang aking kinikita. Sa pamamagitan ng training na ito magkakaroon ako ng ibang mapag kukuhanan ng aming pang araw araw na gastusin. Ako po ay nagpapasalamat sa ating Punong Bayan Mayor Ferdie V. Estrella sa pag bibigay sa amin ng ganitong klaseng programa, at sa PESO na patuloy na nagbibigay sa amin ng impormasyon sa tulong ng aking kaibigan BTEC ng Brgy. Concepcion.”

Isa rin sa nabiyayaan si Jun Grace Timbang, “Ako po ay isang housewife at may tatlo (3) anak. Sa ngayon po ay kumikita lamang ako ng konti sa pag popost ng mga produkto. Kaya po nakita ko ang posting ng PESO Baliwag sa facebook page kaya naman ako ay naginquire agad. Nagpapasalamat po ako kay Mayor Ferdie V. Estrella, sa PESO Baliwag at sa TESDA na bumuo ng ganitong programa. Malaki ang maitutulong sa akin ng pagsasanay na ito, maari akong magservice sa mga bahay bahay malapit lamang sa amin.”

Hiniling na grupo na ito ang magkaroon pa sila ng karagdagang araw upang makapag-aral ng haircutting at scalp treatment, kaya’t sila ngayon ay kasalukuyang nakaenroll sa Hairdressing katuwang si Bokal Monet Posadas.

Maraming salamat Mayor Ferdie, TESDA Bulacan at Bokal Monet Posadas sa palagiang pagtugon sa pangangailang ng bawat Baliwagenyo.

#PESOBaliwag #TESDABulacan #HaircuttingAndScalpTreatment #SerbisyongMayMalasakit

 

 

Advertisements