Baliwag News Service

Marian College of Baliuag, Inc. at Living Angels Christian Academy (LACA), kinilala na kampeon sa 2nd MFVE Inter School Basketball Developmental League 2019!

Advertisements

Kinilala na kampeon ang Marian College of Baliuag, Inc. para sa high school division at Living Angels Christian Academy (LACA) naman para sa elementary division sa katatapos lang na 2nd MFVE Inter School Basketball Developmental League 2019 noong Martes, ika-10 ng Setyembre 2019.

Itinanghal naman bilang 1st runner up sa elementary division ang Montessori De Sagrada Familia (MDSF), 2nd runner up ang Baliwag South Central School at habang 3rd runner up naman ang Makinabang Elementary School.

Samantala, para naman sa high school division ay itinanghal na 1st runner up ang LACA, 2nd runner up ang Baliuag University (BU) habang 3rd runner up naman ang Our Lady of Mt. Carmel College.

Pinarangalan din ng Most Valuable Player o MVP sina Howard Enrile ng LACA para sa elementary division at James Villanueva ng Marian College of Baliuag, Inc. para sa high school division.

Pinangunahan ni Mayor Ferdie V. Estrella ang pagbibigay ng trophy at cash prize para sa mga nagwagi sa nasabing paliga. Ayon sa punongbayan, lubos ang kaniyang kagalakan at pasasalamat sa lahat ng mga nakilahok at tumulong upang masakatuparan ang proyektong ito. Aniya pa, sa susunod na taon ay mas maraming mga palaro ang kaniyang ihahanda upang mas lalong maengganyo at mahasa ang talento ng mga kabataan.

Ang 2nd MFVE Inter School Basketball Developmental League 2019 ay isang proyekto ng Administrasyong Estrella na naglalayon na palakasin at hasain ang kakayahan ng mga kabataang Baliwagenyo sa larangan ng palakasan.

###

Advertisements