Baliwag News Service

#HAPPYKAARAWANGOAL NI MAYOR FERDIE: PASSPORT SERBILIS PARA SA MGA BALIWAGENYO

Advertisements

 

Noong ika 06 ng Setyembre 2019 ginanap ang Passport Serbilis o Passport on Wheels bilang isa sa mga #HappyKaarawanGoals ni Mayor Ferdie V. Estrella para sa kanyang ika-apatnapung kaarawan. Ang nasabing programa ay pinangunahan ng Pamahalaan ng Baliwag kasama ang Public Employment and Services Office (PESO) sa pakikipagtulungan ng Department of Foreign Affairs (DFA). Ang nasabing programa ay pinangunahan ni Bb. Anjeanet E. Cruz, POW Team Leader at Bb. Jaymie B. Magno, POW Coordinator. Ayon sa pinal na datos na ibinigay ng DFA Team, nakapagtala ng anim naraan at walumpu’t siyam (689) na aplikasyon ang matagumpay na naiproseso noong araw ng Passport Serbilis.

Nagpasalamat si Bb. Jennelyn Marcelo – PESO Manager para sa tagumpay na bilis pasaporte – “Salamat sa pamunuan ni Mayor Ferdie sa patuloy na suporta sa ikaanim na pagbaba ng DFA dito upang isagawa ang Passport Serbilis. Isa ito sa #happykaarawangoals ni Mayor Ferdie, ang ibaba ang serbisyo ng gobyerno direkta sa mga Baliwagenyo. Ngayon, hindi na nila kailangan lumuwas pa upang mag-apply or magrenew ng passport, dito sa ating bayan ay mabilis at efficient ang pagproseso ng passport. Ang ating taos pusong pasasalamat din sa DFA sa pangunguna ni Bb. Anjeanet Cruz sa palagian pagtugon sa ating kahilingan na isagawa ang POW sa ating bayan”.

Sa pagpapatuloy ng programa, nakapanayam ang ilan sa mga nakapagproseso ng kanilang pasaporte. Ayon sa kanila, ang proseso ay mabilis at organisado habang mababait, magalang at palakaibigan naman ang kanilang komento sa mga DFA at PESO personnel na nanguna sa programa. Narito ang kanilang komento sa programa at pagbati na rin sa kaarawan ng punong bayan:

Ayon kay Gng. Jet Linsangan. “Happy Birthday! Maganda ang mga ganitong proyekto para sa amin. Dahil hindi na naming kinakailangang magpunta sa malayong mga tanggapan, sa halip ito ay inilalapit na ng Pamahalaan ng Baliwag. Sana ay maipagpatuloy ang mga kahalintulad na programa”

“Ipagpatuloy ang hindi pamimili ng mga taong tutulungan. Magkaroon ng mabuting kalusugan at panatilihin ang pagiging magpakumbaba ”, komento at pagbati naman ni Gng. Rosalinda Balmores mula sa Brgy Tangos.

Ang taunang programang ito ay naglalayon na mailapit ang mga tanggapan ng gobyerno sa mga Baliwagenyo. Ang Passport Serbilis ay ang pinakamaginhawa at pinakamadaling paraan para makapagproseso ng bagong aplikasyon at renewal ng pasaporte na hindi na kinakailangang magtungo sa tanggapanng DFA. Bukod sa ito ay ay malaking ginhawa at tulong, ito rin ay malaking katipiran sa oras at at pamasahe na kakailanganin kung pupunta pa sa tanggapan ng DFA.

Para sa susunod na Passport Serbilis, i-like lamang ang opisyal na facebook page ng PESO para sa mga updates o announcement ukol sa nasabing programa.

#SerbisyongMayMalasakit #Maagap #Maaasahan #Magiliw#Magkakatuwang                   #MaligayangKaarawanMayorFerdie #40NaSiMayor

Advertisements