Baliwag News Service

Kap. Lupa, Nakatakdang Ilibing sa Setyembre 17

Advertisements

Baliwag, Bulacan – Sumisigaw pa din ng katarungan ang Bayan ng Baliwag sa walang saysay na pagpaslang kay San Jose Barangay  Chairman Ronaldo “Lupa” Rivera noong Setyembre 9, 2019 sa Barangay Tarcan, Baliwag, Bulacan. Hanggang ngayon ay tikom pa din ang bibig ng pulisya sa motibo sa pagpaslang. Dalawang anggulo umano ang tinitignan – pulitika at negosyo.

1Million Reward

Samantala, simula ng ianunsyo ni Mayor Ferdie Estrella ang pabuyang Isang Milyon ay madami na umanong mga nagpahatid ng iba’t-ibang impormasyon ukol sa posibleng kinaroroonan ng mga suspects at ito nga ay iniimbestigahan ng kapulisan. Patuloy pa rin ang panawagan ng kapulisan na nakahanda na ang pabuyang 1milyon piso sa sinomang makapagbibigay ng impormasyon uko sa kasong ito. Maaari ngang tumawag o magtxt sa 09175057827 o magmessage sa https://www.facebook.com/ferdievestrella.com

Saradong Kalsada sa Libing

Ang lahat ng mga estudyante at empleyado ay pinapayuhang pumasok ng mas maaga sa Martes, Setyembre 17, araw ng libing ni Kap. Lupa. Samantala, nakatakda namang isara ang JP RIZAL AVENUE, P.DAMASO, GIL CARLOS ST., PLAZA NANING mula alas 8 ng umaga.

Advertisements