Baliwag News Service

Mayor Ferdie Kinokondena ang Pagpaslang kay Kapitan Lupa

Advertisements

Baliwag, Bulacan – Mariing kinokondena ang pagpaslang kay Kapitan Ronaldo “Lupa” Rivera ng Barangay San Jose kaninang tanghali sa Brgy. Tarcan, Baliwag, Bulacan.

Si Kap Lupa ay nakatakda sanang maghatid ng buhangin sa tahanan ni Kap. Ariel Cabingao. Siya ay walang habas na pinagbabaril ng hindi pa nakikilalang mga salarin. Hindi pa lumalabas ang opisyal na imbestigasyon ng SOCO-Bulacan.

Blurred Photo of Kap Lupa Rivera who was gunned down from his mini-dump trucktaken at the Crime Scene at the Crime Scene

Si Kap. Lupa ay maituturing na isa sa pinakamahusay na kapitan sa Bayan ng Baliwag kaya’t hindi nakapagtataka na wala nga umanong nangahas na kalabanin siya noong nakaraang halalang pambarangay. Siya lamang ang kapitan sa Bayan ng Baliwag ang nag-iisang tumakbo na walang kalaban.

Si Kap Lupa ay kilala bilang isang action man at kilala bilang isang strikto at disciplinarian. Walang sinasayang na panahon, masipag at prangka na tao si Kap. Lupa, nawalan ang ating bayan ng isang mahusay na kaagapay” ayon kay Municipal Administrator Enrique Tagle

Sa Crime Scene ay sumugod naman sina Konsehal Tony Patawaran, Kon. Ding Nicolas, Kon. Ogie Baltazar, Kon. Madette Quimpo, Kon. Lowell Tagle, SK Chair James Viceo at iba pang mga opisyal ng Pamahalaang Bayan ng Baliwag. Napagalaman nga ang masamang Balita kanina sa munisipyo, matapos na itawag ni Mayor Ferdie Estrella ang pangyayari kay Municipal Administrator Enrique Tagle at ABC Ricardo Romulo ni Mayor Ferdie, na noon ay nasa Senado, ang pangyayari. Sumugod din ang ina ni Mayor Ferdie na si Mayora Sonia at maybahay na si Mayora Jonnah na silang kumakausap at hawak-hawak ang kamay ni Kapitana Imelda, maybahay ni Kap. Lupa.

REWARD

Samantala, sa Facebook post ni Mayor Ferdie ay mariin niyang kinokondena ng tahasan ang walang saysay na pagpaslang kay Kap. Lupa Rivera at tinitiyak sa mamamayan na hindi kailanman mamamayani ang kuktura ng walang karahasan sa Bayan ng Baliwag. Gagamitin natin ang buong pwersa at lakas ng pamahalaan upang mabigyan natin ng katarungan ang sinapit ng isang hinahangaang lider at kaagapay sa paghahatid ng serbisyong may malasakit sa mga Baliwagenyos. MAGBIBIGAY TAYO NG tatlong daang libong piso sa sinomang makakapagturo sa mga pumaslang sa aking kaibigan, Kap. Lupa Rivera.” pagtatapos ng Punongbayan.

Si Kap Lupa ay nakatakda sanang magdiwang ng kanyang ika-49 na kaarawan sa Setyembre 15. May dalawang anak, si dating Brgy. San Jose SK Chair Ron at Sunshine.

Advertisements