Baliwag News Service

Baliwag Business Center (Baliwag BOSS), Bubuksan na!

Advertisements

Baliwag Government Complex – Nakatakdang pasinayaan sa darating na Miyerkules, Setyembre 11, 2019 ]ang Bagong Baliwag Business Center na tila nasa isang ViP Lounge sa isang Airport o kaya ay tila nasa isang Hotel ka. Mayroon din itong dalawang function room na pwedeng magamit ng mga kumpanya para sa kanilang mga training at seminar requirements. Higit sa lahat, dito nga ay sisiguraduhin nakaka sunod sa streamlined procedure na itinakda ng Ease of Doing Business Law at makakasama nga dito ang co-shared frontliner ng iba’t-ibang pribadong kumpanya na may kinalaman sa kuryente, insurance, tubig, telepono at iba pang kumpanya. Pati na din ang mga government-owned and controlled corporation para sa kanilang mandatory benefits tulad ng SSS, Philhealth at Pag-Ibig.

Isa sa mga Conference Rooms sa Baliwag Business Center

Baliwag’s Rising Star

Ang Bayan ng Baliwag ay hinahangaan ngayon sa hindi lamang sa ating lalawigan kung hindi sa buong rehiyon at bansa matapos nga na ito ay umangat mula sa mga pandulong pwesto at ngayon nga ay nangunguna sa iba’t-ibang larangan. Ang Business Permits and Licensing Office na dati ay hindi umaangat ay napabilang sa isa sa tatlumpong pinakamahuhusay na BPLO sa Rehiyon ayon sa Central Luzon Growth Corridor Foundation.

Umangat din mula sa pang 960 na pwesto ang Baliwag sa National Competitiveness Council ay nasa pang 13 pinakakompetitibong bayan na ang Baliwag. Ayon kay Municipal Administrator Enrique Tagle, “well, it is true and there is no doubt that, what we can conceive, we can truly achieve. What Mayor Ferdie envisioned the Business Center is to be an articulation of serbisyong may malasakit characterized by being cheerful (magiliw), timely (maagap), execellence (mahusay), maaasahan (dependable) at partnerships (magkakatuwang).

Ang mga Ilaw ay kumuha ng inspirasyon mula sa Buntal Hat na primera at dekalidad na produkto ng Baliwag noon.

Ang Baliwag Business Center ay ang magiging tahanan para sa Business One Stop Shnop at  Construction One Stop Shop na programa ng gobyerno upang  maisakatuparan ang pagpapadali sa pagkuha ng mga kinakailangang permit sa pagnenegosyo at pagpapatayo ng mga gusali sa Bayan ng Baliwag.

Advertisements