Nito lamang ganap na 3:30 ng hapon Agosto 31, 2019 ay isang raw unit sa pabahay sa Sitio Orchids, Barangay Matangtubig ang nagliyab at nagdulot ng pagkabahala sa mga tao sa lugar dulot ng panganib na dala ng nasusunog na bahay.
Agad na nakapag respunde ang Baliwag Bureau of Fire Protection, Baliwag MDRRMO, BARG Rescue Volunteer, Sto Cristo Rescue at ang MV Lumber Volunteer na malapit sa lugar ng insidente na syang unang nakatugon sa pag apula ng apoy. Agad ring dumating at tumulong sa pag apula ng apoy ang pamunuan ng barangay ng Matangtubig sa Pangunguna ni Kapitan Isabelito Cabigao, naroon rin ang kapitan ng Sto Cristo na si Kapitan Michael Lopez na siya pa mismong nagmaneho ng sto cristo fire truck.
Wala namang naulat na nasaktan o nasawi sa naturang insidente. Ganap na 4:40 ng hapon ng ideklarang fire out sa lugar, napag alaman sa inisyal na pag susuri na ang naging sanhi ng sunog ay ang linya ng kuryente sa nasabing bahay.
Ang Pamahalaang Bayan ng Baliwag sa pangunguna ng Punong Bayan Ferdinand Estrella ay pinaalalahanan ang lahat na maging maingat at mapanuri sa ating mga kagamitan sa ating tahanan lalong higit sa mga kable o linya ng kuryente at agad na mag pasuri sa Meralco sakaling may mapansin na di normal sa mga kawad ng kuryente sa ating samabahayan o komunidad.
Mag iingat po tayong lahat at tulad ng pinamalas na bayanihan sa barangay ng matangtubig magkakatuwang nating isulong ang kaayusan at kapayapaan sa ating bayan.
Advertisements Sa pangunguna ng ating PunongBayan Ferdie Estrella,kasama ang mga taga Municipal Agriculture Office(MAO),MAFC members at mga taga Provincial Agriculture Office(PAO),ay matagumpay na naisagawa ang pagpupulong ukol sa Hybridization Program sa Baliwag. Planong pagpapalaganap ng paggamit ng Hybrid rice sa baliwag ay pormal nang ikinasa. Ito’y alinsunod sa mithiin ng ating butihing Punongbayan Ferdie Estrella […]
Advertisements 37 Public School Teachers were awarded grants by the Local Government of Baliwag to allow them to continue their studies for advancement and professional growth. This program was a result of an ordinance authored by fmr. Coun. Roberto Tisoy Santos, allocating funds for scholarship to Baliwagenyo Public school teachers teaching in the public sector. […]
Advertisements Last September 26, 2017, the Municipal Public Transport Route Council of Baliwag (MPTRCB) convened for their first regular meeting upon the call of Mr. Enrique V. Tagle, Municipal Administrator of the Local Government of Baliwag, Bulacan. The meeting was held at 2:00 pm at the Board Room, 2/F Municipal Building, Baliwag, Bulacan. MPTRCB is […]