Baliwag News Service

Mayor Ferdie, Ipinagutos ang Activation ng mga Protocol para sa Bio Hazard

Advertisements

Baliwag, Bulacan – Nilagdaan ni Mayor Ferdie Estrella ang Executive Order No. 27 na may pamagat na “An Order Activating the Bio Hazard Contingency Protocol to Avert the Spread of African Swine Flu and Swine Flu in the Municipality of Baliwag” upang mapakilos ang mga ahensiya ng pamahalaan at maiwasan ang pagkalat ng sakit na African Swine Flu at Swine Flu sa mga baboy.

Kaugnay nito ay nagsimula na ang pagtatayo ng mga checkpoint sa mga hangganan ng Baliwag upang masiguro na ang lahat ng pumapasok na baboy ay may kaukulang permiso at sertipakasyon buhat sa National Meat Inspection and Surveillance Bureau ng Department of Agriculture.

Ang lahat ng mga baboy naman na ititinda sa palengke o gagawing paninda ay dapat na katayin lamang sa Pambayang Katayan. Maaaring kumpiskahin ang lahat ng mga mahuhuling karne na tinitinda o binabyahe ng walang kaukulang papeles buhat sa Pambayang Beterinaryo.

Advertisements