Baliwag News Service

Baliwag EMR : Psychosocial Management

Dahil narin sa kultura ng “Serbisyong May Malasakit” na pinangungunahan ng Punong Bayan Ferdinand V. Estrella, ay tiniyak ng Municipal Disaster Risk Reduction and Management Council sa pangunguna ng Ating Local Chief Executive na matiyak na handa at eksperto ang ating mga empleyadong nakatalaga sa pag bibigay ng Psychosocial Management (Psychosocial First Aid and Psychosocial Processing) sa bawat Baliwagenyong maaring o makakaranas ng Trauma na dulot ng aksidente at mga kalamidad. Inimbitahan ng MDRRM-Office ang Department of Social Welfare and Development Regional Office III upang magsagawa ng tatlong (3) araw na Psychosocial Management Training Sa patnubay nina Ms. Margaret Santiano at Ms. Marites Chavez (Social Welfare Officer III) sa mga piling kawani ng MHO, MSWDO, CAO, MDRRMO at MNAO na silang mga talagang tagapag lapat ng Psychosocial First Aid and Processing sa mga maaring maging Biktima ng Kalamidad. Natapos ang nasabing pag sasanay nitong Hulyo 31, 2019 kung saan ang mga kalahok ay matagumpay na natapos at nakapag bigay ng sapat na kwalipikasyon para sa sertipikasyon upang makapag sagawa ng Psychosocial Management.
Advertisements