Baliwag News Service

POPS Committee, Nababahala sa Pag-akyat ng Bilang ng Aksidente.

Advertisements

Baliwag, Bulacan – Tinalakay kahapon ng Public Order and Safety ang nakakabahalang pagtaas ng bilang ng mga naaaksidente sa lansangan dahil sa kalasingan. Sa pulong ay napagpasiyahan ng komite na ipatupad ng mahigpit ang pagmamaneho ng lasing o nakainom. “Kailangan ng breath analyzers para tanggapin ito ng korte,” ayon kay P/Major Jhun Protacio, Hepe ng Kapulisan matapos na siya ay tanungin ni Mayor Ferdie Estrella kung handa ba ang pulisya na ipatupad ang nasabing batas. Nagutos naman si Mayor Ferdie na bumili ng breath analyzers upang maging matibay ang ebidensiya ng kapulisan laban sa mga lumalabag dito. “Alarming na ang bilang ng mga aksidente, ang daming buhay ang nasasayang dahil sa pagmamatulin at pagmamaneho ng nakainom,” pagtatapos ng punongbayan. Ayon kay Municipal Administrator Enrique Tagle, “kung maghihigpit man ay dahil nagmamalasakit ang gobyerno sa kanyang mamamayan. Hindi nakakatuwang tignan ang hindi mabilang na mga aksidente at video ng pagtilapon sa kalsada ng mga biktima. Karamihan sa kanila ay mga nakainom. Ang malungkot pa rito ay ang mga nabangga pa minsan ang naapektuhan, sila ang mga nagiging biktima. When this is implemented, we have no choice but to assign designated drivers. Sila ang mga hindi iinom at magmamaneho o kaya ay mahpahatid talaga o kaya ay makitulog na lang talaga kung lasing at hindi makakauwi. We will prepare an implementing rules and regulations dito para hindi din naman maabala ang mga motorista. Siguro talagang tatargetin dito yung sobrang tutulin magpatakbo o kaya ay nakitang pagewang-gewang ang sasakyan.”


Opthalmologist, Nangangamba sa Papataas na Bilang ng mga Naaksidente

Samantala, nagpahayag naman si Dr. Jonman Manuel sa Papadaming bilang ng mga naaaksidente ngayon sa mga lansangan. Ibinahagi ng doktor sa BaliwagNewsOnline ang larawan ng mga mata ng matapos ang isang aksidente. “Ang nakakabahala dito ay madaming bata ang sinasakay sa motor minsan dalawa pa,” ayon kay Dr. Manuel. “It is good that the Public Order and Safety Cluster of the Municipal Government Management committee is responsive and has a plan to address this life-changing, life-ending tragedy, eye wrecking life,” dagdag pa ng doktor.

Advertisements