Baliwag News Service

Breaking News: Opisyal ng DPWH Bulacan 2nd District, Natagpuang Patay sa Loob ng Sinasakyang Hilux

Advertisements

Baliwag – Pulilan Bypass Road – Natagpuang patay ang isang opisyal ng DPWH Bulacan Second District sa loob ng kanyang sinasakyang government-issued hilux pickup kaninang mga bandang 10:48 ng gabi, araw ng Lunes, matapos na ireport ni Mayor Ferdie Estrella sa pulisya na may isang hilux pick na puti ang natagpuang nakaparada sa isang bahagi ng Baliwag-Pulilan Bypass Road. Inireport naman ito sa kanya ng isang concerned citizen na nakabasa ng isang post sa facebook na nananawagan sa publiko sa mga posibleng nakakita kay Engr Al Centeno na huling nakitang nakasakay sa isang hilux na puti.

Ang Facebook Post mula sa isang kapamilya na nanawagan para sa nawawalang si Engr Al Centeno.

https:///private/var/mobile/Containers/Data/Application/C2555F2B-406B-4EBB-AC0E-31540908AE5D/tmp/-308849780.jpg

Agad naman ngang pumunta sa scene of the crime si Mayor Ferdie Estrella at Peace and Order Committee Chairman Councilor Tony Patawaran matapos na makumpirma na iyon ang sasakyan at magpahatid ng mensahe sa pamilya nito.

Inaalam pa ng Scene of the Crime Operative ang posibleng motibo sa pagpaslang sa inhinyero na napagalamang Hepe ng Materials Testing Division ng nasabing ahensiya.

Advertisements