Baliwag News Service

Disenyo ng Baliwag Community Center, Pasok sa World Architecture Festival

Advertisements

Amsterdam – Masayang ibinalita ng Alero Design Studio sa pamamagitan ni Jesy Cruz na ang kanilang disenyo para sa 4,307 sqm. na Baliwag Community Center ay napabilang sa 12th World Architecture Festival. Ito ay isa sa apat na disenyong inilahok ang pagpipilian. Ang Baliwag Community Center ay nalinya sa Best Future Civic building in the world. Tampok sa magiging gusali ay isang indoor park, gallery, mga meeting pods at ang main convention hall.

Ang Baliwag Community Center ay idinisenyo ni Jesy Cruz na isang Baliwagenyo. Siya rin ang nagdisenyo ng bagong Baliwag Business Center na magiging tahanan ng bagong Business Permits and Licensing Office, Go Negosyo Baliwag at Chamber of Commerce and Industries of Baliwag.

Dalawa sa pumasok na entry ng Pilipinas ay dinisenyo ng mga beterano tulad nina Kennethn Cobunpue at Carlos Calma. Dalawa din sa apat na nakapasok ay pawang mga baguhang designer.

Nakatakdang ipagawa ang BCC ngayong taon gamit ang pondo mula sa Municipal Development Fund Office.

Advertisements