Baliwag News Service

Mayor Ferdie sa mga Barangay: Monitoring ng Segregation, Simula Na! Biodegradable, Ipoproseso na!

Baliwag, Bulacan – Sa isang memoranda na ipinalabas ng Baliwag Archives and Records Office noong Sabado ng Gabi, Hulyo 21, 2019, ipinahayag ni Mayor Ferdie ang mga susunod na mga gawain para sa pagsasaayos ng ating basura. Ayon sa memoranda, magsisimula na ang monitoring ng segregation ng mga kabahayan ayon sa takdang klase ng basura. Ang biodegradable o nabubulok tuwing Lunes, Miyerkules at Biyernes (MWF) at hindi nabubulok (residuals) tulad ng diaper, tissue, napkin, bulak, cotton buds at mga katulad ay tuwing Martes, Huwebes at Sabado (TTHS). Samantala, ang mga non-biodegradable naman na recyclables tulad ng plastic, papel, pet bottles, glass bottles at sachet foil wrappers ay maaari namang ipunin o ipalit sa mahigit na Palit Basura Stores sa buong Baliwag.

SEGREGATION AT HAMON

Samantala, nagpahayag naman ng pagkadismaya si Mayor Ferdie sa unangnh dalawang lingo ng implementasyon ng NO SEGREGATION, NO COLLECTION Policy dahil sa pagkaantala ng koleksyon dahil umano sa iba’t-ibang kadahilanan tulad na lamang ng sabay na pagkasira ng mga truck ng Sabang at Makinabang. Kakulangan sa container bin sa ating MRF dahilan para tumukod ang mga truck sa gabi at hindi makahakot ng basura sa tamang oras sa umaga. Ngunit, sinabi naman ni Mayor Ferdie na ito ay hindi naman magpapahina sa ating kampanya sa segregation. Aniya, hindi pa natin napeperfect ang sistema, pero hindi lalaon ay masasanay na ang mga tao. Our efforts shall be relentless in ensuring a sustainable management of our environment and waste. Focus tayo ngayon dahil may monitoring na naman. Magkakaroon na ng mga magiisyu ng notice of violation ticket na ididikit sa inyong basura. Huwag din itong itatapon kung saan man dahil 24/7 nakamatayag ang mga ECOPOLICE na daragdagan pa natin ang pwersa,” pagsasaad ng Punongbayan.

BIODEGRADABLE

Samantala, sinabi ni Mayor Ferdie na dapat ng magsimula ang mga barangay na magproseso ng kanilang mga basura partikular sa biodegradable. Ang plano ay unti-unti na nga dapat na naipapatupad ang pagproseso sa mga biodegradable sa pamamagitan ng pagcocompost. Sa pamamagitan nga nito, mapapakinabangan pa ang mga ito bilang pataba at mababawasan ang ating gastusin sa pagtatapon ng basura.

Advertisements