Baliwag News Service

Senator Angara: “Congratulations, Baliwageños! Malayo pa ang Mararating Ninyo!”

Baliwag, Bulacan – All praises ang mahusay, matalino at masipag na senador na panauhing pandangal sa Inagurasyon 2019 ng Bayan ng Baliwag na kung saan nga ay pinanumpa ni Senador Juan Edgardo “Sonny” Angara ang ika-30 Punongbayan ng Baliwag na nasa kanyang Ikalawang Termino, Mayor Ferdie V. Estrella.

Sinabi ni Senador Angara sa kanyang talumpati na bilib na bilib siya sa sa performance ng Baliwag sapagkat naging panauhin siya ng DILG noon gawaran ang tatlong bayan sa Bulacan ng Seal of Good Local Governance at kasama nga ang Baliwag doon. “Mahirap makamit ang SGLG dahil kailangan mong ipasa ang pito sa pitong criteria. A itinakda ng DILG at dapat kayong maging proud bilang Baliwagenyo. Bukod riyan ay nakamit niyo din ang back to back champion sa e governance Awards ng DILG at DICT. Alam niyo, when I first met Mayor Ferdie ay papasimula pa lang ang Baliwag Polytechnic College noon at gustong gusto talaga niia mapag-aral ang mga Baliwagenyos. Ngayon ay malaki na ang BTECH, ang swerte nyo kay Mayor Ferdie dahil alam niyo nakita ko yan kumakatok yan at inisa-isa ang mga senador para maipagawa ang Baliwag Polyechnic College. Don’t worry babawi ako sa inyo! Number 5 ako sa Bulacan at Number 4 ako sa Baliwag kaya’t maraming salamat. Babawi talaga ako sa inyo.”

Binanggit din ni Senador Sonny na hindi biro ang mamuno ngunit sa katulad pa lamang ni Mayor Ferdie na nasa unang termino at nakakuha na ng maraming parangal at sa kanyang seryosong pagsasaayos ng kanyang pamamahala ay hinahangaan din nya ang alklade. Aniya, “malaki ang paghanga ko sa pamamahala ni Mayor Ferdie kaya Congratulations, Baliwagenyos!, pagtatapos pa ng senador.

Advertisements