Baliwag News Service

Mayor Ferdie Ipinakita sa mga Kapitan ang Barangay Kalikasan Center ng Tarcan

Baliwag, Bulacan – Matapos nga ang krisis na kinaharap ng ating bayan sa basura ay minabuti na ni Mayor Ferdie Estrella na magkaroon ng mas pangmatagalang solusyon sa pagtatapon ng basura. Aniya, “Masyado tayong naging dependent sa mga sanitary landfill. Maraming pera din ang ating inaaksaya sa pagtatapon ng basura dito pero kung tutuusin dapat ay kalahati lang talaga ang basura natin ang maitatapon. 30% ng ating basura ay biodegradable; 30% ay recyclables at ang natititra ay 40% residuals na yun lang dapat ang naitatapon kung nasesegregate lamang ang basura,” paliwanag niya.

Barangay KALIKASAN Center

Ang lahat ng mga barangay ay binigyan ng direktiba ni Mayor Ferdie na magpagawa na ng mga sariling material recovery facility o Barangay Kalikasan Center. Batay sa Solid Waste Management Act of 9003, ang mga barangay ang siyang dapat manguna sa pagsasaayos ng basura. Batay naman sa direktiba ni Mayor Ferdie ay binibigyan ang mga barangay hanggang Agosto 30, 2018 ngunit hindi naman nakatupad ang karamihan sa mga barangay dahil sa kawalan ng sariling lupa ng mga barangay. Sa ngayon ang mga barangay ng Sabang, Tarcan, Pinagbarilan, Pagala, Paitan, Virgen delas Flores, Tangos, Tiaong, Hinukay at Piel. Samantalang ang Poblacion at San Roque ay malapit na ngang matapos at ang Santa Barbara naman ay magsisimula na ang konstruksyon. Samantala, ipinahayag naman ng Brgy. Bagong Nayon at Santo Cristo na balak umano nitong makikipag cluster sa Pagala. Ang brgy. Subic naman ang napili ng Nestlé na magiging host barangay para sa grant nito na pagawaan ng pavers kung saan gigilingin ang sachet at ihahalo sa hallow blocks at pavers.

Insitusyon, Subd. at Paaralan

Batay sa Republic Act 9003, ang mga malalaking institusyon, barangay at mga homeowners association ay dapat na magkaroon ng sariling material recovery facility upang maitabi ang mga dapat maresiklo, ang bioddegradable naman ay maaaring gawinng compost upang gawing pataba.

Central MRF

Ang Central MRF na nasa Brgy. Tarcan ay naipagawa sa panahon ng panunungkulan ni Mayor Romy matapos na maissuehan ng Notice of Violation dahil sa pagmementine niyo ng Server. Sa ikinasamang palad ay hindi nagawang patakbuhin ito ng contractor kung kaya’t nagsampa ng demanda ang Pamahalaang Bayan ng Baliwag laban sa kontraktor at nanalo naman ito sa kaso. Inorderan ang Kontraktor ng Korte na magbayad ng daños sa perwisyong idinulot nito sa pamahalaan.

Dahil din sa mahigpit na pagpapatupad ng RA 9003 ay napapanahon na mabuksan nga ito at naisip din ni Mayor Ferdie na napapanahon ng mapakinabangan ang central mrf ng Baliwag. Aniya, magandang gawing eco park ang lugar na ito at balak ko din na ilipat dito ang Bahay Pagbabago upang ang mga reformees ay makatuwang sa pagaayos ng mga basurang maiiwan galing sa mga barangay.”

No Segregation, No Collection Policy

Sa June 28 nga ay simula na ng no segregation, no collection policy ng ating pamahalaan. Mayroong mga empleyado ng munisipyo ang magchecheck kung tama at sama-sama ang mga residuals at kung ito naman ay halo-halo at madami pa ring inihalo ay hindi nga ito kokolektahin. Ipinagbabawal din ang paglalabas ng basura sa oras na hindi nito oras ng pagkolekta. Batay sa ordinansa ng Baliwag, ang sinomang hindi sumunod sa segregation ay maaaring magmulta simula sa 1500. Bawal na din ito isabit sa mga pader.

14.9541961120.9010222
Advertisements