Baliwag News Service

Town-Wide Clean Up

Baliwag, Bulacan – Upang magpahayag ng isang mensahe sa ating mga kababayan na prayoridad ang pangangalaga sa ating kalikasan at pagseseryoso sa paglaban sa epekto ng pagbabago ng klima o climate change. Nagsagawa muli ang Municipal Environment and Natural Resources Office ng Town-Wide Clean Up Day ngayon araw ng Sabado.

Katulad nga ng unang nagsimula si Mayor Ferdie, kanyang sinimulan ang kanyang unang araw sa paglilinis ng kapaligiran. Sa kanyang inaugural address, ipinahayag ni Mayor Ferdie na kanyang paiiralin ang political will upang masolusyunan na ang problema sa baha, basura at trapiko. Aniya, “kalahati ng solusyon dito ay manggaling sa inyo. Disiplina, kooperasyon at malasakit ang makakapagresolba sa mga problemang ito ng ating bayan.”

Bagong Iskedyul ng Hakot at Segregation

Kahapon ay nagsimula ang bagong iskedyul ng hakot ng basura. Ito na nga ang unang hakbang sa pagresolba sa problema sa tumitinding problema sa basura na bukod sa ito ay gumugugol ng malaking bahagi ng ating pondo ay hindi pa din natatapos ang stand off sa pagitan ng San Jose Del Monte City at ng Wacuman.

Mukhang ang problema sa daraanan ay kudlit lamang ng totoong problema sapagkat kung gusto talaga nila na itong matapos ay madali naman talagang magagawa ang kalsadang gumuho sa bahagi ng lungsod papunta sa santiry landfill.

Ani Mayor Ferdie, “we take a proactive stance on this issue. Rather, wait for the outcome of talks between the local government and Wacuman, let us begin solving it by implementing sustainable environment practices that will not only lower our expenditures on our waste management, but moreso, it is environment-friendly and aligned with our climate change mitigation programs and initiatives.”

Advertisements