Ilan sa mga isyu na naresulba sa nasabing pagpupulong ay ang wastong koordinasyon ng bawat ahensyang nakapaloob sa nasabing cluster, ang pagkakaroon ng makabagong teknolohiya tulad ng “two way digital radio communication system” sa bawat tanggapan ay nagdulot ng mas mabilis na pag pasa ng mga impormasyon na nagbigay daan naman upang mas mapabilis ang pag respunde sa mga insidente ng kalamidad, disgrasya, krimenalidad at iba pang uri ng disorganisasyong pambayan. Dahil sa nasabing sistema, ay nakita at minabuting iminungkahi ng Punong bayan na palawigin pa ang nasabing proyekto, kung saan maging ang mga barangay ay pamahagian ng nasabing radio communication system upang mas maging “magkakatuwang” ang gampanin ng bawat kawani ng bayan sa pag papanatili ng kaayusan sa pamayanan.
Pinag usapan din ang programang pagpapalakas sa mga boluntaryong grupo na nakakatuwang ng pamahalaan sa pagpapanatili ng kaligtasan ng bawat Baliwagenyo, sa darating na hulyo sa pangunguna ng MDRRMO sa pag gunita sa Disaster Preparedness Month ay magsasagawa ng Capacity building para sa mga boluntaryong grupo katuwang ang Baliwag Bureau of Fire at Baliwag PNP. Sa nasabing Gawain din ipamamahagi ang mga digital radio unit sa mga nasabing grupo upang masmaging episyente ang koordinasyon sa mga ito.
Napagkasunduan din ng Public Safety Cluster na gawing buwanan Ang pulong ng nasabing cluster upang maresulba agad ang alinmang isyu o mga problemang nasuri ng mga kasamang ahensya ukol sa seguridad at kaayusan sa pamayanan.
Higit sa mga pagkilala at pagtangi , ang Seguridad at Kaligtasan ng Bawat Baliwagenyo ay Prayoridad ng Pamahalaang Bayan ng Baliwag, kaya “magkakatuwang” suportahan at tangkilikin ang mga polisiya at programa ng Pamahalaang Bayan, tungo sa mas masagana at ligtas ng Siyudad ng Baliwag.