Dumalo sa nasabing Pulong ang mga pinuno at representante ng Municipal Disaster Risk Reduction and Management Office, Municipal Veterinary Office, Municipal Nutrition Action Office, Municipal Budget Office, GAD Focal, Municipal Health Office, Municipal Environment and Natural Resource Office, Baliwag Central School, ABC- President, Public Assistance and Complaint Center, Department of Interior Local Government, Municipal Social Welfare and Development Office, Baliwag Bureau of Fire, Municipal Planning and Development Office at ng Pambayang Tagapangasiwa.
Isa sa naging prayoridad ay ang pagtitiyak ng kahandaan ng sektor ng agrikultura sakaling magkaroon ng sakuna, alinsunod sa Baliwag Food Security Plan ay magkakaroon ng sapat na ani na makakatugon di lamang sa regular na konsumo ng bayan ngunit pati narin sa pagtitiyak na sa oras ng kalamidad ay mayroong reserba ang pamahalaang bayan na agarang maipamamahagi sa mga apektado ng kalamidad.
Tinalakay rin ang usapin ukol sa patuloy a pagtaas ng kaso ng animal bite at ng benepisyaryo ng libreng bakuna ukol dito mula sa ating Pamahalaang Bayan.
Dahil sa nakakaalarmang bilang at porsyento ng pagtaas ng kaso nito, ay napagdesisyunan ng MDRRMC na magbigay ayuda sa pagbili ng vaccines para sa mga apektadong baliwagenyo, at gayundin ang pag atas sa Municipal Veterinary Office na magkaroon ng konsultasyon sa City Veterinary Office ng Siyudad ng Valenzuela upang makatuwang sa pagtukoy sa paamaraan upang mas maayos at ma kontrol ang mga kaso ng animal bite sa ating bayan.
Tinalakay rin dito ang epektibong implementasyon ng Baliwag All Ladies Emergency Response Team na nito lamang Abril ay nanalo na “best Convergence Initiative” sa probinsya ng bulacan. Kaugnay rito ay isasagawa ang progamang A+Listo Kid na mag bibigay ng kahandaan at kaalaman sa bawat batang baliwagenyo.
Inihain din ang mga programa at aktibidad na isasagawa para sa pag gunita sa buwan ng kahandaan sa Kalamidad sa darating na Hulyo.
Ang ika tatlong pagpupulong ng Municipal Disaster Risk Reduction and Management Council ay pansamantalang napagkasunduang isagawa sa buwan ng Setyembre.