Baliwag News Service

2nd Quarter Nationwide Simultaneous Earthquake Drill

Alin sunod sa adbokasiya ng Pamahalaang Bayan ng Baliwag sa pangunguna ng Punong Bayan Ferdinand V. Estrella na matiyak ang kaligtasan ng bawat Baliwagenyo ay kaiisa ang Pamahalaang Bayan ng Baliwag sa pagsasagawa ng Nationwide Simultaneous Earthquake Drill katuwang ang National Disaster Risk Reduction and Management Council kasama ang Office of Civil Defense, ang NSED bilang isa sa pamamaraan upang masukat ang kakayanan ng bawat Pilipino sa kahandaan sakaling magkaroon ng matinding pag yanig.

Nito lamang Hunyo 20,2019 ganap na 02:00 ng hapon ay pinangunahan ng Pamahalang Bayan ang naturang drill sa ating bayan sa Baliwag Municipal Building, katuwang ang mga pampubliko at pribadong mga paaralan, mga Barangay at mga pribadong establisyemento.

Isa ito sa mga pamamaraan ng pamahalaang bayan upang masukat ang kakayanan at kaalaman ng mga mamayan ukol sa Tamang pag tugon sa oras ng paglindol at ng masubok rin ang Baliwag Contingency Plan na ginawa para sa oras ng Paglindol.

Nagkaroon ng ilang mga senaryo sa mga barangay kung saan ipinamalas rin ng mga Barangay Volunteers at ilang Civil Society Organizations ang kanilang husay sa paglalapat ng pangunang lunas.

Matapos ang nasabing drill ay nagkaroon ng pag analisa sa mga kahinaang napuna habang nagkakaroon ng drill, ito ay makaktulong sa pag sasaayos pa ng ating mga planong pangkaligtasan.

Advertisements