Baliwag News Service

TOP 15 TAXPAYERS NA MGA NEGOSYANTE AT KORPORASYON, KINILALA SA BALIWAG PARTNER’S NIGHT

Isang maningning na gabi ang inilaan ng Pamahalaang Bayan para bigyan ng pagpapahalaga at parangal ang mga negosyante at kumpanya na pasok sa Top 15 Taxpayers sa kategoryang sole proprietorship at corporation, sa Baliwag sa ginanap na Institutional Partner’s Night nitong nakaraang Martes, ika-28 ng Mayo 2019 sa Baliwag Star Arena, Brgy. Pagala Baliwag, Bulacan.

Kasabay ng pagdiriwang at pasasalamat ni Mayor Ferdie sa kaniyang mga katuwang sa pagpapaunlad ng bayan ay masaya rin niyang ibinahagi sa mga nagsidalo ang paparating na mga programa at proyekto para sa mga mangangalakal gaya ng pagbubukas ng Baliwag Business Center kung saan makakapaghatid ng mas mabilis at maayos na proseso sa pagnenegosyo sa Baliwag.

Sa kaniyang mensahe kaugnay ng kaniyang ikalawang termino bilang Punongbayan ay tiniyak din ni Mayor Ferdie ang tuloy-tuloy na pag-asenso at mahusay na pamamahala na tunay na mararamdaman ng mga mamamayan. Sinigurado rin niya na hindi masasayang ang tiwala at mga buwis na ibinabayad ng mga negosyante sapagkat ito ay mapupunta sa mga makabuluhang proyekto para sa mas ikauunlad ng bayan.

Bago magwakas ang pagdiriwang ay nagpahayag ng kanilang galak at pasasalamat ang mga kinatawan ng mga negosyante at korporasyon na sina G. Billy N. Bolanos ng Trod Energy Electromech Trading and Services at Bb. Verlyn B. Diaz ng The SM Store. Ibinahagi rin nila ang mga napansing magandang pagbabago sa pamamalakad at talagang ramdam nila ang mga inobasyong ipinatutupad para makapaghatid ng mahusay at dekalidad na serbisyo sa bawat mamamayan.

Narito ang listahan ng mga ginawaran ng pagkilala sa ginanap na pagdiriwang para sa mga katuwang sa paghahatid ng trabaho at asenso sa Bayan ng Baliwag.

Top 15 Taxpayer – Sole Proprietorship

1 A.A. SAVER’S MART JOSEFINA T. SIY
2 TROD ENERGY ELECTROMECH TRADING AND SERVICES BILLY N. BOLANOS
3 BALIWAG COLOR PAINT AND HARDWARE CRISPINO P. KABILING
4 ZYRON ENTRPRISES LORIE A. DUANTE
5 DELFIN AND EUGENIA BUILDING NILO L. TOLENTINO
6 BACOLOD CHICKEN INASAL AMELIA S. TANALGO
7 REAP MARKETING GAVINI C. PANCHO
8 LIN-MER’S BAKESHOP AQUILINO A.  MANANGHAYA
9 CSH ENTERPRISES SUI HWI G. CHENG
10 PEAR BAKERY SUPPLIES PEDRO, JR. C. PANCHO
11 BEST BUY FLOUR TRADING AUGUSTINA DOMINIQUE C. PANCHO
12 GOLDEN SUNDAY POULTRY FARM ANICIA G. DOMINGO
13 MONROVIA COURT AMELIA S. MAÑAOL
14 TEOFISTA V. RODRIGUEZ REAL PROPERTY TEOFISTA V. RODRIGUEZ
15 EMIL’S PASALUBONG EMIL INGARAN MANANGHAYA

Top 15 Highest Taxpayer – Corporation

1 MERCANTILE STORES GROUP, INC. THE SM STORE
2 SM PRIMEHOLDINGS, INC. SM SUPERMALLS
3 SUPER SHOPPING MARKET, INC. SM HYPERMARKET
4 WILCON DEPOT, INC. WILCON DEPOT
5 STAR APPLIANCE CENTER, INC. SM APPLIANCE
6 CARGILL PHILIPPINES, INC. CARGILL
7 L.P.T. MARKETING COMPANY, INC. ULTRA MEGA
8 PUREGOLD PRICE CLUB, INC. PUREGOLD
9 LANDCO PACIFIC CORPORATION WATERWOOD
10 ACE HARDWARE PHILIPPINES, INC. ACE HARDWARE
11 SUPER 8 RETAIL SYSTEMS, INC. SUPER 8
12 SANFORD MARKETING CORPORATION SAVEMORE
13 JOEY’S FOOD CORPORATION JOLLIBEE BALIUAG BAYAN
14 SAN MIGUEL MILLS, INC. SAN MIGUEL
15 THE PHILIPPINE AMERICAN LIFE & GENENERAL INSURANCE COMPANY PHILAMLIFE
Advertisements