Baliwag News Service

10 Baliwagenyo achievers, pinarangalan bilang 2019 Dangal ng Baliwag

 

Sa pangunguna ni Mayor Ferdie Estrella pinarangalan ng Lokal ng Pamahalaan ng Bayan ng Baliwag ang 10 natatanging Baliwagenyo sa pamamagitan ng programang Gawad Dangal ng Baliwag nitong nakaraang Huwebes, ika-30 ng Mayo, 2019 sa Star Arena, Brgy. Pagala.

Ang Dangal ng Baliwag ang pinakamataas na parangal na ipinagkakaloob sa mga mahuhusay at natatanging mga Baliwagenyo na nagpapamalas ng kanilang kontribusyon at kagalingan sa kanilang napiling larangan.

Nanguna sa listahan ng mga pinarangalan si Associate Justice Mary Ann Corpus-Mañalac bilang Most Outstanding Baliwagenyo Awardee, dahil sa hindi matatawarang integridad at katapatan sa kaniyang tungkulin.

Sinundan naman ito nina:

1. Gng. Corazon S. Santos – Retired District Supervisor of Baliwag (public service)
2. Atty. Angelita L. Ortega-Cortez – Lawyer (professional)
3. Gng. Teofista C. Cruz – Commission on Liturgy (community service)
4. Gng. Leonida C. Ramirez – Retired District Supervisor (education)
5. Engr. Eduardo T. Trajano – Chemist (science and technology)
6. G. Adeodatus L. Sta. Juana – Visual Artist (arts)
7. G. Noel C. Salonga – Musician (culture)
8. Bb. Kathleen L. San Gabriel – Broadcast Journalist and Anchor (media)
9. Dr. Ace C. Lagman – Director of FEU Institute of Technology (youth)

Bukod sa mga nabanggit, binigyang pagkilala rin ang ilang kabataang achiever ng Baliwag na sina:

1. Engr. Relynne Miranda- TOSP Region 3 Recipient
2. Zeth Quiambao- 2019 Palarong Pambansa Gold Medalist (Badminton)
3. VenzGio M. Tiburcio- 2019 Palarong Pambansa Bronze Medalist (Baseball)
4. Randel L. Martin- 2019 Palarong Pambansa Bronze Medalist (Baseball)
5. Jemyla Nicole Velilla- Miss Royale Ambassador 2019 Central Luzon 2nd Runner Up and Miss Bulacan Montage International 2018
6. Andreia Carrillo- Astrophysicist
7. Ang Kalasag Editorial Team (VDFHS)- 2018 Campus Press Awards Champion
8. May Joylene De Arcaltang- First Summa Cum Laude of BSU-Bustos College of Education
9. B-Side Fam Dance Group- 2019 World Supremacy Batte Ground Finalist and 2018 Champions Tour Winner
10. Patrick Patawaran- International Print, Ramp, and Commercial Model
11. Josh Cosico- 2018 World Robotics Games Intelligent Machine Contest (Mission Challenge Champion)
12. Reign Alba- 2018 World Robotics Games Intelligent Machine Contest (Mission Challenge 2nd Placer)
13. Lanz Centeno- 2018 World Robotics Games Intelligent Machine Contest (Mission Challenge 2nd Placer)

Para kay Mayor Ferdie, isa lamang itong patunay sa galing at husay ng mga Baliwagenyo, na kahit sa anong larangan na kanilang mapili ay kayang-kaya nila makipagsabayan at mamayagpag.

###

Advertisements