Ayon kay Edgar Luna, pinuno ng nasabing tanggapan, inatasan sila at ang mga punong barangay ng muling naihalal na si Mayor Ferdie V. Estrella, na ipunin ang lahat ng campaign tarpaulins upang gawing mga makukulay at magagandang ecobags para muling mapakinabangan at makabawas pa sa bilang ng kalat sa kapaligiran. Alinsunod ito sa panuntunan ng Commission on Elections (Comelec), na kailangang baklasin ng mga kumandidato ang kanilang mga campaign materials matapos ang halalan.
Suportado naman ng mga Baliwagenyo ang nasabing proyekto, dahil ayon sa kanila, isa itong magandang paraan upang mabawasan ang basura, mapanatili ang kalinisan at maiwasan ang paggamit ng plastik sa bayan.
Mabibili ang mga eco-bags sa halagang PhP 50 hanggang PhP 100 sa Baliwag Pasalubong Center at Baliwag Climate Change Center. Ang kitang malilikom ng naturang eco-bags ay mapupunta sa mga beneficiaries ng nasabing Eco Livelihood Program bilang sukli sa kanilang pagtulong sa pagpapanatili ng kaayusan at kalinisan sa bayan ng Baliwag.
###