Baliwag News Service

Mayor Ferdie Estrella, Landslide Victory!

Advertisements

Baliwag, Bulacan – Hindi tumalab ang mga paninira at pagmamaliit sa mga parangal na nakamit ng Baliwag mula sa kanyang mga katunggali sa ipinakitang pagsuporta at pagbibigay ng mahigit sa 62% mandato sa katatapos lamang na halalan. Nagtala ng mahigit sa 49,652 na boto si Mayor Ferdie laban sa botong 28,762 na nakamit ni Dr. Carolina Dellosa. Inaasahan pang madagdagan pa ang kanyang lamang pagkatapos na pumasok ang mga boto mula sa tatlong presinto mula sa Concepcion Cluster 21, Poblacion Cluster 6 at San Roque Cluster 63 matapos na pumalya ang mga vote counting machines at masunog ang mga sd cards dito.

Inaasahan naman na maiporoklama ngayon gabi si Mayor Ferdie at iba pang nagwagi sa Halalan 2019.

Sa kasalukuyan ay nagrehistro ng 97.48 na election returns na ang naproseso sa Baliwag at may katumbas na 80,240 botante.

Advertisements