Baliwag News Service

Mga Kalsadang Isasara sa Mahal na Araw sa Baliwag

Nag-abiso ang Baliwag Traffic Management Office (BTMO) na ilang kalsada ang isasara ngayong darating na Mahal na Araw upang magbigay-daan sa pinakamahabang prusisyon sa bansa na dadaluhan ng libu-libong deboto na mula sa Baliwag at ng mga karatig-bayan. Ayon sa BTMO, sa ika-17 ng Abril 2019 (Miyerkules Santo) ay sa Silangang panig dadaan ang mga karosa ng prusisyon. Samantala, sa ika-19 ng Abril (Biyernes Santo) ay sa Kanlurang bahagi naman ang ruta nito. Narito ang mga isasarang daan: Sa ika-17 ng Abril (Miyerkules Santo) Sa ika-19 ng Abril (Biyernes Santo) Paalala rin ng BTMO na iwasan muna ang mga kalsadang daraanan ng prusisyon sa mga nabanggit na petsa at sa halip ay sundin ang mga alternatibong ruta upang maiwasan ang abala dala ng trapiko sa nalalapit na Panahon ng Kwaresma. Pinaalalahanan din ni Mayor Ferdie V. Estrella ang ang mga motorista na gumamit ng helmet at ipagpaliban ang pag-angkas sa mga bata, sapagkat magiging madulas ang kalsada dahil sa mga patak ng kandila. Kaugnay nito, hangad ng punongbayan na magkaroon ng isang maayos, mapayapa at ligtas na pagdiriwang ang bawat pamilyang Baliwagenyo at maisabuhay ang tunay na kahulugan ng Mahal na Araw. Para naman sa mga insidente na mangangailangan ng agaran na tugon ay maaaring tumawag sa Baliwag Emergency Hotline – 09175057827 at 09399997827.

###

Advertisements