Baliwag News Service

LGU Baliwag, ginawaran bilang Manila Bayani Awardee ng DILG!

Advertisements

Isang karangalan na naman ang ginawad sa Baliwag bilang 2018 Manila Bayani Awardee ng Department of the Interior and Local Government (DILG) kahapon, Lunes, ika-01 ng Abril 2019, matapos makapasa at maitala ang pinakamataas na marka sa Manila Bay Clean Up Rehabilitation Program (MBCURP) sa buong Central Luzon.

Kasabay nito ay kinilala rin ng DILG ang mga kahanga-hangang pagpapatupad at pagsusulong ng Administrasyong Estrella ng iba’t ibang mga programa at proyektong pangkapaligiran.

Personal na tinanggap ni Mayor Ferdie V. Estrella ang nasabing parangal mula mismo kina DILG Regional Director Julie J. Daquioag, Ph. D., CESO III, LG-MED Chief Lerrie Hernandez, at PDO II Jose Jasper Canlas.

Kasabay nito, tumanggap din ng PhP 200,000 ang Baliwag bilang insentibo sa nakamit na parangal.

Matatandaan na binisita ng Regional Environment Compliance Audit (ECA) Validation Team ang Baliwag upang suriing mabuti ang mga makalikasang programang maigting na sinusulong lokal na pamahalaan sa 27 barangays nito noong ika-21 ng Marso, 2019.

Para kay Mayor Ferdie, mahalaga na mapangalangaan ang kapaligiran hindi lamang para sa sariling kapakanan kung hindi pati na rin sa mga anak at sa mga susunod pang henerasyon ng bayan. Dagdag pa niya, ito ay simula pa lamang dahil kaniyang mas pag-iigtingin at isusulong mabuti ang mga handog niyang programa at proyektong pangkalinisan at pangkapaligiran para sa bawat Baliwagenyo.

Advertisements