Baliwag News Service

Pinaluwag na daan sa Sitio Tumana, pinasinayaan na!

Advertisements

Pinangunahan ni Mayor Ferdie V. Estrella ang pagpapasinaya sa pinaluwag na daan at welcome marker sa Sitio Tumana Barangay San Jose, na katuparan ng kanyang ipinangako para sa isang mas maayos, mas maginhawa at mas ligtas na daanan kahapon, ika-19 ng Marso 2019.

Malaki naman ang pasasalamat ng Kapitan ng Brgy. San Jose na si Kap. Ronaldo “Lupa” C. Rivera at ng mga residente ng Sitio Tumana sa pagmamalasakit ni Mayor Ferdie na paluwagin ang bukana ng Sitio Tumana para magkasya ang mga sasakyan na papasok at palabas ng nasabing sitio.

Ayon sa ilang nakatira sa Sitio Tumana, tunay na masikip at delikado ang daanan papunta sa kanila kaya naman malaking bagay ang pagsusulong ni Mayor Ferdie sa kanilang kahilingan na gawing mas maluwag at ligtas ang daanan papunta sa kanila.

Para kay Mayor Ferdie, mahalaga na magkaroon ng isang maayos at ligtas na daanan o kalsada ang isang lugar upang hindi maabala at mahirapan ang mga bumibiyaheng mga sasakyan papunta sa kanilang destinasyon lalo na sa panahon ng mga sakuna o emergency.

Dumalo rin sa pagpapasinaya sina Konsehal Joel Pascual, Lowell Tagle, Ogie Baltazar, Cora Agustin at ilang mga kagawad upang magpakita ng kanilang suporta sa nabanggit na proyekto.

###

Advertisements