Baliwag News Service

Did u know? “We Almost Lost Mayor Romy in 2014!”

Libo-libo nga ang nakipaglibing sa yumaong dating punong bayan Romy Estrella. Sa kanyang mga natulungan, naging kawani, lider sa pulitika, mga organisasyon sibiko at pansimbahan, kaibigan at mga ordinaryong mamamayan ay nagkaisa na magpugay sa mga nagawa niya sa ating bayan.

Inihanda nga niya ang Baliwag sa Modernong o global na komersyo. Pinigil niya ang pagtalon ng mga mamumuhunan sa ibang bayan at naging sentro nga muli ang Baliwag ng komersyo.

Siya din ang nagpasimula ng mga programang libreng pabahay, sine, bags at supplies at salamin. Pati na din ang birthday blowout.

Pero hindi niya ito ginawa ng hindi sinisiguro na magagawa ito ng mga susunod pang mga administrasyon dahil bago siya gumawa ng programa ay may katapat na dapat itong kita.

Read Related News: Philippine Star: Aide ng Dating Alkalde Dinukot ng Armadong Kalalakihan

Panoorin dito ang Balita Ukol sa Pagdukot sa Close-In Aide ni Mayor Romy

Pero ALAM NIYO BA?

Alam niyo ba? na muntik na ngang dukutin si Mayor Romy noong 2015? Ang kaniyang opisina umano ay pinasok ng mga kalalakihan. Papasok ng pinto pa lang ang armadong kalalakihan ay nakapasok na umano kagad siya sa isa pang kwarto ng kaniyang opisina.

Dahil umano mestisuhin ang kaniyang aide ay napagkamalan nga ito na siya si Mayor Romy. Hula ng mga pulis, hindi lang pagnanakauw ang motibo ng mga suspek dahil tinangay pa ang aide ni Mayor Romy. Mukhang sekondarya lang nga ang anggulonh robbery at ang pakay talaga ay ang pagdukot sa kanya.

Hanggang ngayon ay hindi pa nakikita si Tata Nitoy at patuloy na humihingi ng hustisya ang dalawa. Wala na nga si Mayor Romy, sana ay magkita naman sila at tulungan nila tayong bigyang linaw kung sino ang nasa likod ng nasabing krimen? Alam niyo ba?

Advertisements