Baliwag News Service

PASSPORT ON WHEELS, MULING BUMALIK SA BALIWAG!

 

Isa na namang matagumpay na Passport on Wheels (POW) sa pangunguna ng ating Punong Bayan Ferdie V. Estrella ang ginanap noong ika-6 ng Marso 2019 sa Baliwag Star Arena, Pagala, Baliwag, Bulacan. Ang nasabing programa ay inorganisa ng PESO Baliwag sa pakikipagtulungan ng Department of Foreign Affairs (DFA) na pinamunuan ni Bb. Maria Isabel Inton – Team Leader at Bb. Dienzel Samaniego – POW Coordinator, katuwang ang dalawamput-siyam (27) na kawani ng DFA.

Layunin ng POW na mailapit ang serbisyo ng DFA sa mga Baliwagenyo na nagnanais kumuha o magrenew ng kanilang pasaporte nang sa gayon ay hindi na nila kailanganin na magpunta pa sa mga DFA Consular Office. Dahil sa programang ito, naging mas madali para sa kanila na magkaroon ng access sa serbisyo ng DFA. Maswerte ang Bayan ng Baliwag sa pagkakaroon ng punong bayan na may ganitong adhikain na handang ibaba ang serbisyo ng gobyerno para sa kanyang nasasakupan, dahil sa POW mas napadali ang pagproseso ng pasaporte ng mga Baliwagenyo

Ayon sa datos na binigay ng DFA, sila ay nakapagproseso ng walong daan at siyamnapung (890) aplikasyon mula ika-8:30 ng umaga hanggang ika-4 ng hapon- ang bawat pasaporte ay nagkakahalaga ng Php 1200 at karagdagang bayad na Php 150 na courier fee.

Nagpasalamat si Bb. Jennelyn Marcelo- PESO Manager para sa matagumpay na bilis pasaporte – “Salamat sa pamunuan ni Mayor Ferdie sa patuloy na suporta sa ikalimang pagbaba ng DFA dito upang isagawa ang Passport on Wheels (POW). Isa ito sa nais ng ating punong bayan na ibaba ang serbisyo ng gobyerno direkta sa mga Baliwagenyo. Ngayon, hindi na nila kailangan lumuwas pa upang mag apply or magrenew ng passport, dito sa Baliwag magagawa na nila ito ng may mabilis na proseso. Salamat din sa DFA sa palagian pagtugon sa ating kahilingan na isagawa ang POW sa ating bayan”.

Umani din ng mga positibong komento mula sa mga nakapagproseso ng pasaporte ang PESO Baliwag- “Nagpapasalamat ako kay Mayor Ferdie sa pagkakaroon ng programang tulad nito, sana magkaroon pa ng programang ganito sa mga susunod pang taon” mula kay Gng. Mercedita Juliano ng Brgy. Tarcan. “Very accomodating ang mga staff ng PESO Baliwag at ang babait nila sa pag-aassist sa amin, may sistema sa pagproseso ng passport at mabilis lang din. Maraming salamat din po kay Mayor” ayon kay Bb. Elsa Marcelo ngBrgy. Sulivan. Marami pa ang nagpaabot ng pasasalamat kay Mayor Ferdie para sa magandang hangarin nito para sa mga Baliwagenyo.

Makakaasa ang mga Baliwagenyo sa patuloy na pagtulong at paghahatid ng Serbisyong may Malasakit mula kay Mayor Ferdie, dahil sa Baliwag walang maiiwang mag-isa at lahat tayo ay sama-sama. Abangan lamang ang announcement para sa susunod na Passport on Wheels!

#SerbisyongMayMalasakit #Maagap  #Maaasahan  #Magiliw #Magkakatuwang  #Mahusay

Advertisements