Baliwag News Service

11 YEARS OLD NA BALIWAGENYO NATAGPUAN SA CABANATUAN CITY

Isang tawag ang natanggap ng Baliwag Public Assistance and Complaint Center mula kay Mrs. Yolly Eguenio isang Social Worker ng DSWD Cabanatuan City patungkol sa isang bata na kanilang natagpuang palakad-lakad sa kanilang lugar.

Ayon sa social worker, ang bata na taga Baliwag ay kinidnap di-umano at isinilid sa malaking bag. Maswerteng nakaligtas ang bata at nagpalaboy-laboy sa naturang siyudad ng halos isang linggo. Nakipag uganyan si Public Assistance staff Noah John Lampa sa Baliwag MSWD Social Worker Officer 3 Gerard Tolentino, kina Matangtubig Barangay Chairman Isabelito Cabigao at Barangay Social Worker Catherine Dionisio para sa agarang aksyon at para masundo na ang bata.

Kaugnay nito,pinag-iingat ang lahat ng mga magulang at mga bata na huwag basta-basta lalabas ng bahay ng walang kasama at hindi alam ng mga magulang o kung sino mang nakakatandang kasamahan sa bahay. Pinapaalalahanan din ang mga kabataan na huwag mag papagabi sa lansangan. Mag-ingat po, maging alerto at mapagmasid para makaiwas sa disgrasya at kapahamakan.

Para sa inyong mga katanungan, suggestions and emergency situations, tumawag or mag text sa ating Baliwag Hotline Nos. : 0917 505 (STAR) 7827 – Globe, TM 0939 999 (STAR) 7827 – Smart, SUN, Talk n Text

#magkatuwang #serbisyongmaymalasakit #mswd #pacc

-Mike Flores, OIC Baliwag Public Assistance and Complaint Center

 

Advertisements