Baliwag News Service

Petsa ng Libing ni Mayor Romy Iniurong sa Marso 14

Advertisements

Pinagbuti ko ang pakikipaglaban. Natapos ko na ang dapat kong takbuhin, at nanatili akong tapat sa pananampalataya.

2 Timoteo 4:7

Hindi na nga nagdalawang isip ang Pamilya Estrella matapos sila ay mahilingan ng mga opisyales, lider at mga kaibigan mamalagi pa ang mga labi ni Mayor Romy ng dalawang araw pa at nang maiburol siya kahit isang gabi sa Pamahalaang Bayan ng Baliwag. Kahapon nga ay nagpalabas ang Tanggapan ng Punongbayan ng isang abiso na kung saan nakapaloob doon ang anunsyo na sa Marso 12 ililibing si Mayor Romy Estrella.

May ginagayak namang Luksang Parangal para sa Miyerkules ang Pamahalaang Bayan ng Baliwag, nararapat lamang para sa isang lider na naglingkod ng tatlong taon bilang Vice Mayor at Presiding Officer ng Sangguniang Bayan ng Baliwag at nahalal na Mayor ng tatlong sunod-sunod na eleksyon simula 2004-2013.

Nakatakda nga ang libing ni Mayor Romy Estrella sa Huwebes, Marso 14, sa Baliwag Memorial Park.

Advertisements