Baliwag News Service

Mayor Romy Estrella – 1943-2019

Advertisements

Bonifacio Global City – Maituturing na ngang alamat sa Bayan ng Baliwag sa kanyang mahabang paglilingkod bilang ama ng bayan matapos na siya ay mahalal ng tatlong sunod na termino. Isang bagay na siya lamang ang nakagawa mula kay Mayor Tino. Si Mayor Romy Estrella ay kilala bilang isang seryoso, strikto, matipid at may paninidigang lider. Nakapagpatupad din siya ng mga makamasang polisiya para sa mga Baliwagenyos.

Isang matagumpay na negosyante at pananalapi, siya ay nagtapos ng Accountancy sa Far Eastern University.Sa pamamagitan ni Mayor Romy ay nabuksan ang pananaw na gawing bagong commercial strip ang DRT Highway. Taon 2005 ng kanyang simulang anyayahan ang SM Group ma maglagay ng mall sa Baliwag upang makalikha ng maraming trabaho. Iniutos niya ang pagpasa ng Baliwag Investment and Incentive Code upang mahikayat ang SM na maglagay sa Baliwag. Hindi man niya mapapakinabangan ang epekto ng pagtaas ng koleksyon dahil sa 5 year tax moratorium ay nakapagpaempleyo naman nga libo-libong mga kabataang Baliwagenyo.

Sa pamamagitan nya ay na naisakataparan ang mga mahahalagang proyekto ng ating bayan, una na dito ang pagsasaayos ng 6 hectare property ng Pamahalaang Bayan ng Baliwag sa DRT Highway. Doon nga din naipatayo niya ang Baliwag Star Arena at ang Baliwag Polytechnic College Campus.

May Banal na Misa sa ganap na ika-6 ng gabi. Bukas ito para sa publiko.

Advertisements