Baliwag News Service

Mayor Ferdie: “Ano ang kasunod niyan? Ambush me?”

Baliwag, Bulacan – Inisa-isa umano ni Mayor Ferdie Estrella kanina sa kanyang, lingguhang mensahe ang patuloy na panghaharas ng kampo ni Ex-Mayor Carol Dellosa hindi lamang sa kanya kung hindi sa kanyang ina at iba pang personalidad sa pamamagitan ng pagsasampa ng kaso laban sa mga ito na ang pawang layunin lamang ay makapang ilang at mawala sa direksyon ang kampanya ni Mayor Ferdie Estrella.

Dalawang Lingo na ang nakalipas ng makatanggap ng reklamo mula kay dating Market Master Antonio Halina dahil lamang sa kanyang pagdedeklara ng suspensiyon ng klase noong Agosto 28, kapistahan ni San Agustin. Ang isa naman ay tungkol sa pagpapaalis sa pwesto sa dalawa sa dati niyang nabentahan ng pwesto. Ang mga bagay na ito ay hindi naman pinalampas ng simbahang Katoliko at sinabing “huwag iboto ang ganitong mga kandidato.”

Bukod pa riyan ay labis na ikinadismaya ng piskalya ang paggamit ng kanilang tanggapan sa pulitika. Sinabi ni Fiscal Emily Dizon na siya ay walang interes na ipasuspinde si Mayor Ferdie Estrella. Ang mosyon ay pinapirmahan sa kanya ni Atty. Niel Nuńez ay kanyang nagawa lamang sa kanyang kapaguran pagkatapos ng mahabang hearing noong nakaraang Martes. Magsusumite daw sila ngayon ng supplemental motion na nakapirma ang drayber ni Dellosa na si Paclibar.

Ani Mayor Ferdie: “walang dahilan para magulo o mawala kami sa direksyon sa pangangampanya. Ang kanilang mga ginagawa ay senyales ng desperasyon na muling makabalik sa pwesto. Pero ano ang babalikan nila kung ang taong bayan ay nakaranas, nakawaksi at nakaramdam ng pananakot, pangamba at kalungkutan noong sila ang nakaupo. Paano maniniwala sa kanila ang tao kung ang nagdedesisyon noon sa mahahalagang bagay ay si Engr. James Paano maniniwala ang taong bayan kung sila ay naharass o naabuso, o nadukot o napatay ang mahal nila sa bubay. Paano maniniwala sa kanila Ng Baliwagenyo, kung sa hutala kasayasayan ng bayan naganap ang pinakamadilim na panahon nito. Kung nagagawa sa akin ay magagawa lalo nila sa mga ordinaryong Baliwagenyo. At bakit kailangan matakot tayo sa sarili nating bayan. Bakit kailangan tayo ang sumusunod sa kanila. Bakit tayo ang inaapi? Kaya ako nakikipaglaban ay mahirap makita ang ating bayan na nalugmok sa ganoong sitwasyon.

Ambush Me?

Noong isang lingo ay nagpalabas ng propaganda si Baliwag Supporters for Transparency (siya pala mismo ay hindi transparent) na ipinaupa ni Mayora Sonia sa halagang 80,000 pesos si ExMayor Carol Dellosa.

Nakakapagtaka lang ang timing  ng post na iyon. Ayon sa tagapagsalita na Mrs. Sonia Estrella, “hindi maganda sa panlasa ang bintang ng nasa likod ng page na iyon. Hindi ito dapat palampasin lalo ngayon na alam natin kung sino ang nasa likod ng fanpage na iyon. We will file appropriate charges against him. Hindi maaaring magpaparatang siya ng basta-basta at maninira ng pangalan dahil nagtatago siya sa likod ng isang huwad na fanpage lalo na ang manira ng pangalan upang pagkakitaan lamang. There are many instances that he tried to malign our name, it is about time he faces the court of justice,” pagtatapos ng kaniyang tagapagsalita.

Ayon naman sa isang Political Analyst, “kung ganyan ang kanilang mga paratang ay nakakatakot dahil baka ang susunod na niyan ay ambush me at ililink nila sa kampo ni Estrella, nang sa gayon ay mapaling ang imahe ng karahasan sa kampo nito o kaya ay baka nais lamang nilang iligaw ang istorya ng pananakit at paglitaw ng baril ng isang army na nakadetail bilang security escort ni ExMayor Dellosa dahil bawal ito.

Advertisements