Baliwag News Service

Kap. Ariel ng Tarcan at Kap. Basco ng Sta. Barbara, Nagkaayos na para sa Isang Adhikain

Baliwag, Bulacan – Matapos ang higit tatlong taon ng paghaharap sa ating Municipal Trial Court, tuluyan na ngang winakasan ng dalawang kapitan ang kanilang sigalot na nagmula sa awayan sa hangganan at nasasakupang barangay. Pinagharap na nga ni Mayor Ferdie Estrella ang dalawa upang wakasan ang kanilang alitan at hiniling na sa halip ay lalo silang maging abala sa pagpapaunlad at kaayusan ng ating bayan.

Matatandaan na nagdeklara ng suporta kamakailan si Kap. Basco Chico ng Santa Barbara sa kandidatura ni Mayor Ferdie Estrella para sa kanyang ikalawang termino. Si Kap. Ariel Cabingao naman ay isang long-time loyalista at kaalyado ng mga Estrella. Nangako ang dalawa na pagtutuunan na lamang nila ng pansin ang magandang adhikain ni Mayor Ferdie Estrella ngayon pa na nasa isang magandang posisyon ang Baliwag sa iba’t-ibang sektor katulad na lamang ng competitiveness.

Ani Kap. Cesar Chico, “nakita ko ang mga magagandang adhikain ni Mayor Ferdie sa ating bayan. May direksyon at nakita natin at naramdaman ang epekto ng serbisyong may malasakit. Kaya pala na magawa na mailagay ang ating bayan sa hanay ng mahuhusay at matitinong bayan. Suportado ko ang kanyang mga programa.”

Nagpasalamat naman si Kap. Ariel Cabingao sa pamamagitan ni Mayor Ferdie na siyang naging daan upang magkaayos dalawa. Sinabi niya, “tumayong ama ng ating bayan si Mayor Ferdie, at kami bilang kaniyang mga anak ay dapat lamang na sumunod sa kaniya lalo na kung alam namin na wala siyang ibang hiling kung hindi ang tanging makakabuti sa ating bayan.

Barangay Boundaries Project 2020

Samantala, sinabi naman ni Mayor Ferdie Estrella na dapat suportahan ng mga barangay ang BOUNDARIES PROJECT NG PILIPINAS na kung saan ay sinukat at tinukoy na ng ating Bureau of Lands ang mga hangganan ng mga barangay. Ang mga may barangay na walang protesta ay pinapayuhan na magpasa na ng kanilang ordinansa na tumutukoy sa kanilang mga hangganan. Ang mga barangay naman na may usapin pa o nais na maghain ng protesta ay dapat na magpresenta ng mga ebidensiya sa Sangguniang Bayan ng Baliwag.

Advertisements