baliwag police

Baliwag MADAC, Paparangalan ang PNP Baliwag sa matagumpay na Operasyon Kontra Droga

Advertisements

Baliwag, Bulacan – Natakdang Parangalan ang PNP Baliwag sa Marso 3, 2019, Lunes matapos ang kanilang matagumpay na operasyon at pagkakahuli ng halos apat na kilo ng shabu o metamphetamine hydrochloride. Matatandaan na nahuli sa isang buy-bust operation ang dalawa suspek na sina Cristina Joana Trinidad y Webb, alias Joan, 39 years old, single, residente ng Brgy Tambubong, San Rafael, Bulacan and 2) Ruth Francisco y Hernandez, 34 years old, single, at residente ng Brgy Loma De Gato, Marilao, Bulacan.

Matatandaan na noong Pebrero 21, 2018, mga dakong 3:50 ng umaga ay nagsagawa ng buy-bust operation ang PNP Baliwag sa pangunguna ni P/Supt. Voltaire Rivera.

Nakumpiska sa kanila ang dalawang pirasong medium selyadong plastik, tatlong malaking selyadong plastik na pawang naglalaman ng pinaghihinalaang shabu. Nakumpiska din ang tatlong celphone at isang timbangan.

Sinampahan ng kasong paglabag sa BP 9165. Patuloy ang isinasagawang operasyon laban sa ilegal na droga sa ilalim ng Project Double Barrel Reloaded.

Ang Baliwag MADAC ay patuloy ang pagsasagawa ng mga pulong at kasalukuyang nakatuon ang pansin sa pagbalang ng Community Support and After Care Plan upang matulungan ang mga kababayan nating reformees na kasalukuyan ay sumasailalim sa rehabilitasyon sa Baliwag Bahag Pagbabago.

Baliwag Bahay Pagbabago

Kasalukuyan ay maituturing na isa sa pinakamaayos na Bahay Pagbabago ng Baliwag sa buong rehiyon.

Baliwag rin ang nag iisang bayan na mayroong sariling Drug Dependency Evaluation Doctor na nagsusuri sa mga reformees na nahuli kung sila ay maaaring makalabas at magsagawa ng sariling rehabilitasyon.

Ang Baliwag Municipal Health Office ay nagtalaga kay Dr. Dave Legaspi ng Baliwag Malasakit Center bilang DDE Doktor ngunit pansamantala ay pinapalimitahan muna na magsagawa ng ebalwasyon sa mga Baliwagenyo. Ito ay matapos na dagsain ng mga pamilya ng mga nakulong sa kasong paglabag sa BP 9165 at binigyan ng pagkakataon ng hukuman na sumailalim sa self rehabilitation sa komunidad.

Advertisements