Baliwag News Service

Dahil sa Bayan ng Baliwag, Bida ang Handa!

Advertisements

Nito lamang nakaraang Pebrero taong 2019, dahil narin sa adbokasiya ng Punong Bayan patungkol sa Kahandaan at Kaligtasan ng bawat Baliwagenyo ay nagsagawa ng pagsasanay ang American Safety and Health Institute ukol sa Advance First Aid Training upang sanayin ang mga Emergency Rescue Personnel ng Pamahalaang Bayan at ang mga miyembro ng Baliwag All Ladies Emergency Rescue Team, at mabigyan ng refresher course ang mga miyembro ng Baliwag Rescue FVE Responders ng Tanggapan ng MDRRMO para sa mas mataas na antas ng serbisyong may malasakit para sa mga Baliwagenyo.

Sa pangunguna ng Punong Bayan Mayor Ferdinand V. Estrella, na nagsusulong na magkaroon ng tamang kahandaan ang bawat mamamayan sa oras ng alin mang uri ng sakuna o trahedya ay naging layunin na ng Pamahalaang Bayan na magbigay ng progresibong kasanayan at bigyan ng wastong kaalaman ang bawat baliwagenyo upang maiangat ang antas ng kanilang kahandaan patungkol sa Disaster Preparedness and Response, at maitaas narin ang lebel ng serbisyong naibibigay ng tanggapan ng Baliwag Rescue FVE.

Nagkaroon ng komprehensibong pag sasanay at pag aaral ang mga lumahok sa nasabing training seminar na kung saan matapos ito ay pinagkaloobnan sila ng Standard First Aid Kit upang matiyak na makapag bigay sila ng agarang tulong o lunas sa mga nangangailangan sa oras ng trahedya sa alin mang lugar sa bayan ng baliwag na sila ay maaring makatulong.

Ginanap ang nasabing pagsasanay sa Montessori De Sagrada Familia Conference Hall, sa pangunguna ng Licensed Trainer mula sa American Safety and Health Institute.

Inaasahang magtutuloy tuloy pa ang pag sasagawa ng mga kasanayan tungkol sa ibat ibang uri ng kalamidad sa Grassroot level o bawat mamayan sa barangay alinsunod narin sa kagustuhan ng Punong Bayan na mapalakas ang kakayanan ng bawat mamayan ukol sa Disaster Preparedness.

Dahil sa Bayan ng Baliwag, tunay nating masasabi, na BIDA ANG LAGING HANDA!

Advertisements