Baliwag News Service

San Roque, champion sa 3rd MFVE Inter-Barangay Basketball League

Pebrero 20, 2019 ang araw na hindi makakalimutan ng San Roque dahil sa unang pagkakataon ay nakamit nila ang pinakamimithing tropeyo nilang kampeon sa 3rd MFVE Inter-Barangay Basketball League.

Bago tanghalin bilang kampeon, isang mabigat na laban ang naganap at hindi nagpapagil ang Tibag sa pagbibigay ng magandang depensa at maayos na kooperasyon sa bawat isa.

Noong first quarter, nagpakita agad ng galing ang team San Roque sa pagtatala ng score na 16-27 na siyang nagbigay ng ingay sa mga manonood dahil sa hindi maawat ang init ng kamay ng import na si Bulandi sa pagbibigay ng 3 points na siyang nagpanatili sa lamang nila laban sa Tibag sa score na 31-48 noog 2nd quarter.

Sa half time break naman binigyang parangal ang Mythical 5 sa pangunguna ni Power Forward Earvin Javier #4 ng barangay Tiaong, Small Forward Neljun Saldaña #5 ng Brgy. San Roque, Shooting Guard Michael Pinca #5 ng Brgy. Virgen de las Flores, Center Edmar Espino #6 ng Brgy. Makinabang, at Point Guard Aries Rivera #4 ng Brgy. Tibag. Tinanghal din na MOST VALUABLE PLAYER o MVP si Aries Rivera #4 ng Brgy. Tibag, kasunod ang pag-anunsyo ng  BEST IMPORT na si Allyn Bulanadi #18 ng Brgy. San Roque.

Itinanghal naman na Finals MVP si Neljun Saldaña #5 ng Barangay San Roque dahil sa kanyang husay na ipinamalas noong apat na araw ng finals games.

Sa  pagwawakas ng liga, binigyang parangal ang team ng Tiaong bilang 4th placer, ang Makinabang bilang 3rd Placer, 2nd Placer naman ang team ng Tibag at ang Champion para sa 3rd MFVE Inter-Barangay Basketball League, ang Barangay San Roque.

Advertisements