Baliwag News Service

Sunog sa Brgy. Subic, agad naapula dahil sa Serbisyong Magkakatuwang

Isang tawag ukol sa sunog sa Brgy. Subic ang agad nireport ng PACC sa Baliwag BFP at Baliwag MDRRMO nito lamang ika-9 ng umaga, araw ng Byernes (Pebrero 15, 2019). Agad naman itong tinugunan ng mga nasabing tanggapan at humingi na rin ng kaagapay sa ilang Fire Volunteers at karatig bayan tulad ng San Rafael BFP upang mabilis na maapula ang nasabing sunog. Pinangunahan ni S/Insp Dianne Roselle Tamayo (Baliwag Municipal Fire Marshall) ang pag-aapula ng sunog gamit ang mga firetruck ng mga fire volunteers tulad ng Simbulan, Brgy. Sto. Cristo, BTI, BARG at Eboy Tenggco firetruck dahil kasalukuyang kinukumpuni ang nasabing firetruck ng dalawang tanggapan habang si G. Wendell Centeno ng MDRRMO Rescue FVE naman ang nanguna para sa nakaantabay na medical assistance.  Nakasuporta din ang ating Punong Bayan Ferdie Estrella na maagap na pumunta sa insidente. Namataan din ang dating Bise-Alkalde G. Tony Patawaran, Konsehal Joel Pascual at Community Affairs Consultant Lowell Tagle. Bandang 9:52 ng umaga ng nagdeklara ng fire-out ang Baliwag BFP. Dalawang (2) bahay ang naiulat na napinsala sa nasabing residential area na kasalukuyang iniimbestigahan pa ang pinagmulan na mabuti at walang naiulat na nasaktan. Naging kaagapay din ng Subic Brgy. Officials sa nasabing insidente ang ilang volunteers tulad ng Wing Command, VRG, Ware Phil, SAVER, Sabang Rescue at Sto. Cristo Rescue. Tunay ngang hindi matatawaran ang Serbisyong Magkakatuwang para sa kapwa. Maraming salamat sa lahat ng volunteers at naging kaagapay dito. Isang tunay na bayanihan ang napamalas ng lahat.
Advertisements