Baliwag News Service

Resulta ng Mabuting Pamamahala: Fixed Assets ng Baliwag tumaas ng 1300%, Total Assets halos Isang Bilyon na.

Baliwag, Bulacan – Matapos ang mahabang proseso ng pagiimbentaryo at pagsinop sa mga ari-arian ng Pamahalaang Bayan ng Baliwag, lumaki nga ang kabuuang yaman o halaga ng mga pag-aari nito. Mula Php 309,565,679.80 Million ay tumaas ang Total Assets ng Baliwag at umabot sa 984156200.89 million piso o halos isang bilyon na. Bukod sa nais ni Mayor Ferdie Estrella na masinop ang lahat ng ari-arian ng Pamahalaang Bayan ng Baliwag ay tinupad lang ni Mayor Ferdie na ayusin ang audit observation memorandum na kanyang dinatnan mula sa Commission on Audit na nagsasaad na ang nakarehistrong ari-arian o property, plant and equipment ay hindi makatotohanan sapagkat walang tamang imbentaryo at paguulat ng mga kagamitan. Bagama’t hindi pa nga natatapos ang pagiimbentaryo na sinimulan ng Agosto 2016 ay tumaas na ang kabuuang pagmamay-ari ng pamahalaan. Inaasahan na tataas pa ito kapag natapos na ang mga pagpapatitulo sa mga ari-arian ng bayan.

Ani Mayor Ferdie, to become good stewards of the government’s resources must be inherent to any public official. When we were elected or appointed, we have been enstrusted full confidence by the people that we will use the governments resources efficiently and ensure that the goverment will not be disadvantaged. Kaya lang yung ibang gamit ay hindi na talaga makita, nauwi na ata.”

Policy Formulation

  1. Kasama sa mga stretehiyang isinagawa ng Management Committee ay ang pagbabarcode ng lahat ng mga kagamitan at sinigurong ang lahat ay hindi mababayaran ng walang kaukulang memorandum receipt.
  2. Pagbuo ng Inventory Committee, Appraisal Committee at Disposal Committee
  3. Titling Program
  4. Pagtatatag ng Archives and Records Office
  5. Reorganisasyon ng General Services Office
  6. Computerization at digitization of records.

7. Pagtatatag ng Internal Audit at masiguro na ang lahat ng binibili ay nasa ayon.

8. Mahigpit na pagsunod sa mga tagubilin ng CoA.

Kabuuang Kita

Ang kabuuang kita naman ng Pamahalaang Bayan ng Baliwag ay tumaas ng 58% mula noong 2013. Ang pagpalo ng koleksyon ay buhat sa maayos na sistema ng pagsingil dahil sa computerization at tax mapping. Mahalaga na nagbabayad ng tamang buwis ang mamamayan upang sila ay nakapagaambag sa pagpapaunlad ng lokal na ekonomiya sa pamamagitan ng imprastraktura at makatugon sa makabagong pamamahala.

Advertisements