Baliwag News Service

BALIWAGENYONG OFW, NAKAUWI NA NG PINAS

Advertisements

 

Isang Baliwagenyong OFW mula sa Riyadh ang nagpaabot ng pasasalamat kay Mayor Ferdie V. Estrella matapos siyang makabalik dito sa Pilipinas. Ang nasabing OFW ay si G. Roldan Aquino na residente ng Barangay Hinukay, Baliwag, Bulacan. Siya ay nakapirma ng kontrata sa ilalim ng isang ahensya bilang isang waiter- siya ay nakaranas ng hindi maayos habang nagtratrabaho at hindi pa pinapasahod ng tama.

Nang dahil sa ganitong nararanasan ni Roldan, dumulog ang kanyang ina na si Gng. Clemen Aquino sa tanggapan ni Raffy Tulfo at siya ay naipailabas sa Aksyon News TV 5, agad naman siyang sinaklolohan ng nasabing programa ngunit ng dumating ang mga kinatawan ng Philippine Overseas Labor Office (POLO) Riyadh, siya pala ay nakaalis na sa kanyang pinagtatrabahuhan sa takot na siya ay hulihin at ikulong ng mga ito dahil wala siyang ideya na ito pala ang mga pinapunta ng  programa ni G. Tulfo at ng POLO– kadahilanan upang sya ay di marescue.

Hanggang dumulog naman si Gng. Clemen Aquino sa tanggapan ng ating butihing punongbayan upang humingi ng saklolo para kay Roldan na agad naman nitong inasikaso. Inatasan niya si Bb. Jennelyn Marcelo- PESO Manager dahil nasa ilalim ng kanyang pamamahala ang OFW Help Desk, upang tutukan ang pagpapauwi kay Roldan. Sa pakikipagtulungan  ni Mayor Ferdie sa Overseas Worker Welfare Administration (OWWA) Region III at Philippine Overseas Labor Office (POLO) Riyadh nakauwi si Roldan nito lamang Pebrero 10, 2018.

Kasama ring nakauwi ni Roldan ang isa pang OFW na katulad din niya ang nararanasan, napaiyak ang magulang ni Roldan kay Mayor Ferdie sa lubos na pasasalamat at kaligayahan na nakauwi ang kanyang anak sa bansa. Nangako si Mayor Ferdie na bibigyan din ng pangkabuhayan si Roldan upang  makapagsimula ng bagong buhay.

Makakaasa ang mga Baliwagenyong OFW sa patuloy na pagtulong at Serbisyong may Malasakit ni Mayor Ferdie, dahil sa Baliwag walang maiiwang mag-isa at lahat tayo ay sama-sama. Nais din ni Mayor Ferdie na mapabuti at maiangat ang kalagayan ng mga bagong bayani ng ating bansa.

#BuhayOFW #OWWA #POLO #SerbisyongMayMalasakit #OFWHelpDesk

Advertisements